Prologue

93 3 0
                                    

In the end,only three things matter:how much you loved,how gently you lived and how gracefully you let go of the things that is not meant for you

Dear Kaye,

Hi! Its already 11:11pm in my watch.Few minutes from now this wonderful day will end. Habang sinusulat ko to wala akong kaalam alam sa kung pano ko uumpisahan to para maparating ko sayo yung mga gusto kong sabihin. Hindi ko rin alam kung pano to tatapusin. Ngayon habang sinusulat ko to nakatingin lang ako sa natutulog na ikaw na nakadantay sa mga balikat ko at isa lang ang tumatakbo sa utak ko when this bus stops this will be the last time na magiging ganito tayo. Na sa oras na huminto ito,this is the beginning where we should part ways. Ito ung bagong simula nang bagong destinasyon natin but if where lucky enough one day sana makita na lang ulit natin ang sarili natin na magkasabay sa iisang byahe ng bus na to. Three years before,I've seen you as somehow a friend of mine. Iisa lang yung barkada na ginagalawan natin pero ewan ko ba ikaw siguro ung silent type na masungit pero magaling makisama na agad ko namang napansin.Kaya nga hindi mo ko masyado pinagkakausap eh,kaya ang ginawa ko inaasar kita para kahit pano baka sakali maging komportable ka sakin. Nangyari naman yun at dun nagumpisa yung lahat. Nung nakita kitang umiiyak sa open field hanggang sa nagoopen kana sakin at ganun din ako. Nakakausap kita ng mas matagal,nakakasabay kita sa recess,lunch pati nga uwian e magkasabay tayo. Puro tawanan,kulitan at mga kalokohang siguro kung Babalikan natin eh magtatawanan tayo.Pero akala ko noon eh magagawa parin natin yun ng matagal na panahon. Sa hindi ko malamang dahilan,iniwasan mo ko. Sa tuwing sasabayan kita e nagmamadali kang umalis o kung hindi naman iiwasan mo ako. Sa tuwing kakausapin kita hindi mo ko pinapansin. Kung papansinin mo naman ako "oo","hindi","wala lang" ang sinasagot mo sakin. Tinanong ko yung mga kaibigan natin kung anong nangyari sayo at kung may nagawa man ako sayo pero wala rin silang alam. Ang sabe na lang nila bigyan kita ng space at baka ikaw na rin ang kumausap sakin pero ilang buwan ang lumipas parang wala lang. Masaya ka,samantalang ako,hindi. Kasi hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan sakin. Hanggang isang araw late na naman ako umuwi.Pagabi na tas umuulan pa ng malakas,napatingin ako sa open field. Ito kasi ung unang beses na nakita kitang umiiyak noon. Nagulat ako ng maaninaw ko na heto ka na naman nakaupo sa gitna ng open field basang basa ng ulan,umiiyak ka na naman. Gustong gusto kita ulit lapitan dahil awang awa ako sayo pero pinilit ko na lang tignan at bantayan ka ng malayo baka kasi ipagtabuyan mo na naman ako. Alam ko may problema kang dala dala at kahit ano pa yun alam kong sinasarili mo lang.Ang tapang mo ngae hindi man lang mabakas sayo yung lungkot o hirap ng nararamdaman mo kaya tingin ko tama lang tong ginagawa ko hahayaan kitang iiyak lang kung anong nararamdaman mo. Aantayin at babantayan na lang kita kahit sa ganitong paraan. To cut all this dramas,gusto kong magsorry sayo.Sa kung ano mang nagawa ko para mapalayo ka ng ganito sakin at kahit saming mga barkada mo noon. Gusto kong magthank you kasi sobrang saya kasi naging parte ka ng buhay ko. Salamat sa mga alaala. Salamat kasi pinagbigyan mo ko sa isang buong araw na hiniling ko sayo. Sana naging masaya ka nga talaga kasi naging masaya ko sobra ngayong araw.Lagi mong tatandaan na kahit na madami kamang makilala na "mas" sakin.Isipin mo lang na ako yung kaibigan mong andito lang at hindi ka iiwan. Walang limutan ha?I love you.

-Mari

When the bus stopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon