Eighth Stop

21 0 0
                                    

"Bakit ngingiti ngiti ka dyan?"tanong sakin ni Mari habang busy busyhan ako sa pakikipagtext.

"Kasi naman.."nahihiyang sabe ko kay Mari. Grabe naman kasi tong si Shaun. Miya't miya kong pinapakilig sa mga sinasabe niya.

"Kasi? Pabitin ka naman Kaye!"tamu to siya na nga lang nakikiusyoso siya pa galit.

"Kasi.."sabay pakita sakanya ung mga text ni Shaun.

"Grabe Mari kinikilig talaga ko. Hai. Ganito pala kasaya yun noh?"hindi umimik si Mari kaya nilingon ko siya habang nakatitig siya sa phone ko.

"Gusto mo ba talaga siya?"mahinang tanong sakin ni Mari.

"O-oo na-naman"nauutal kong sabe. Ewan ko ba para ba kong kinabahan na ewan sa tanong niya. Gusto ko siya pero parang hindi naman. Ghad. Bakit ba nagdududa pa ko sa feelings ko? Erase. Erase.

"Ganun ba? So nagpaligaw kana?"mahinahon pero alam kong may diin sa mga salita niya.

"Oo pero---"di ko pa natatapos ung sasabihin ko ng bigla siyang umalis. Anong nangyari dun? Wait! Hindi kaya? Nah. Hindi siguro. Mali. Mali.

Botanical Garden

Andito kami sa Botanical Garden ng Retreat house na tinutuluyan namin. Sabe magstastart na raw ung nakaline up na activity namin for today. Hindi ko kasama si Mari may topak parin at hindi ako pinapansin. Kausap niya si Anne ngayon,classmate namin at barkada ko.

"Guys,andito tayo for today para marefreshen natin ung bonding nang bawat isa. Gusto ko magpartner partner kayo and then I'll give you 1hr para tanungin yung mga bagay bagay na gusto at noon niyo pa gustong tanungin o kaya naman may ishashare kayo. Be sure na comfortable kayo sa kukunin niyong partner. So start na tayo guys"pupuntahan ko na si Mari. Kitang kita kong nakatingin din siya sakin ng palapit na ko tinalikuran niya ko at pinuntahan si Anne. Nagulat ako sa ginawa ni Mari. Para bang may kirot sa puso ko sa ginawa niya. Naiiyak ako pero hindi mali to. Yun yung desisyon niya bakit ko pagpipilitan na kami. Stop it Kaye.

After one hr pinagbreak kami ni Ma'm. Bumalik na lang daw kami pagkatapos ng 30 mins. Nagstay lang ako sa garden. Naupo at nagmuni muni.

"Oh bakit naman malungkot ang MK ko?"sabay upo naman niya sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Shaun.

"MK?"kunot noo kong sabe

"Wala. Basta tawag ko na sayo yun. Pero bakit ka nga ba malungkot ha?di bagay"natatawa niyang sabe

"Hoi! Wag mo nga kong asarin. Di bagay sayo pagiging cheesy Shaun hahahaha!"

"Ok lang maging cheesy ako basta sayo"sabay gulo ng buhok ko "kaya ikaw MK ko wag ka ng malungkot dyan. Andito naman ako para sayo. Kaya ngiti na baka maturn off na ko sayo nyan. Hahahaha!"

"Thank you Shaun. Napagaan ang loob ko"pagkasabi ko non niyakap niya ko ng mahigpit. Tinugunan ko naman yun. Miya miya nakita ko na lang si Mari na nakatingin samin,tumalikod at papalayo na.


When the bus stopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon