Fifth Stop

16 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw after nun e hindi ako pinapansin ni Mari. Tipong paglalapitan ko siya e lumalayo siya kundi niya kakausapin bigla yung katabi niya e magpapaalam siya na aalis siya. Napakadalang ko na din siyang makita laging nawawala.

"Hai! Nakakainis!Di ko na talaga alam ang gagawin ko!"

"Ano namang problema mo ha?"biglang sulpot naman ni Carla. Nakaupo kasi ko sa may open field ng school

"Wala"matipid kong sagot.

"Tss.umagang umaga ha! Oh"sabay abot niya sakin ng isang maliit na pink box. Binuksan ko to at nakita ang isang maliit na keychain na may initials ko. Tinitigan ko to ng mabuti,napangiti ako. Oo nga pala,birthday ko nga pala ngayon! Hahahaha ano ba yan!

"Happy Birthday Kaye!I love you girl!"sabay yakap sakin ng mahigpit. After nun nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang s magbell na. Agad kaming naglakad papunta ng classroom namin. Habang naglalakad.

"Tingin mo Kaye,anong regalo sayo ni Mari?"napangiti nang patago

"Hala! Regalo agad? Ayos naman na batiin lang ako."

"Asus,arte ah!"nagtawanan na lang kami. Pagpasok namin ng room ganun parin maingay. Nagtama naman ung mata namin ni Mari. Nakangiting lumapit sakin si Mari dala dala ung isang malaking paper bag. Sabe na e di niya ko nakalimutan.

"Kaye!"

"oh?"ngiting ngiti naman ako

"Eto nga pala.."sabay abot sakin nung hawak niya 

"..sabe ni Ms.Santos andyan na daw yung mga gamit mo para sa canvass. Pintura daw yan. Daan ka daw muna sa carpentry para humingi ng tinner. Excuse ka daw whole day"tapos umalis na siya. HA.HA.HA.HA.ok.nagexpect ka kasi.Buong araw akong nasa gym at nagpipintura kasama yung ibang mga club member ko na tumutulong sakin.BUkas na kasi yung deadline na to para sa 100th foundation day namin.

5pm umuwi na ko ng bahay.Tutal naman maaga naming natapos yung canvass. Hai,nakakabadtrip talaga pero ok na rin atleast paguwi ko ng bahay andun sila Mama,nangako sila sakin na uuwi sila galing abroad para sa birthday ko. 

Sa bahay

"Manang,andito na po ako!"

"Oh Hija!"sabay labas ni Manang sa kusina

"ambango naman niyan Manang,dumating na ba si Mama at Papa"tanong ko kay Manang.Nalungkot naman si Manang.Oh great!

"Hija.."

"Ok lang Manang,alam ko naman e"sabay bigay nang ngiti kay Manang

"Sandali Hija,pinaabot nila Papa at Mama mo pasensya na daw at di daw talaga sila makakauwi.Nasa kwarto mo na rin ung ibang mga regalo na pinadala kasama ung regalo nila Mama at Papa mo"tumango na lang ako at pumunta sa kwarto ko. Gusto ko mang magalit,gusto ko mang umiyak sa sama ng loob e hindi ko magawa.Siguro sanay na ko. Sanay na kong madisapponit,sabay na ko na lagi namang ganito.

*Carla calling*
"Hello?"

"Kaye!"

"Bakit?"

"Asan ka?!"

"Asa bahay na. Pasensya na umalis ako agad. Sumama kasi pakiramdam ko e. Bakit ba?"

"Ha?! Ano.. Kaya mo bang bumalik dito sa school?! May nangyari kasi e"

"ano?! Osigesige. Ano ba kasing nangyayari?"

"Galit na galit kasi si Mam. Santos,nakita niya yung canvass niyo na puro saboy nang pintura. Bukas na kailangan yun di ba?"after kong marinig yun e nanlumo din ako. Antagal naming pinaghirapan yun tapos sisirain pa at tinaon pa sa birthday ko.

When the bus stopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon