EPILOGUE

254 3 0
                                    

DARREN'S POV:

Habang tumatagal, feeling ko kahit anong oras pwede na siyang kunin sa amin. Palagi na siyang umuubo ng dugo. Imbis na gumaling sya, lalo lang lumalala ang kalagayan niya. Akala ko nung isang araw mawawala na sya samin nag dasal ako, nanalangin ako sa Diyos na huwag muna sya kunin sa piling ko. Hindi ko kayang mawala sya sakin at sa awa ng Diyos ay dininig niya ang panalangin ko, lumaban sya nung mga oras na yon. Alam kong nahihirapan na siya pero hindi ko pa kayang mawala siya sakin, hindi pa ako handa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" ngumiti ito sa akin.

"O-okay lang naman." hinawakan ko ang kamay nya, ni hindi ko man lang maatim na tignan sya sa ganyang kalagayan.

"May gusto ka bang kanin?" umiling lang ito bilang sagot.

"D-darren," tumingin ako sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Hmm?"

"Pwede mo bang... pwede mo bang papuntahin dito si... si K-krystal?" nagulat ako sa sinabi nya. Gusto nyang papuntahin dito si Krystal? Napakunot ang noo ko.

"Teka, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" ngumiti ito ng bahagya bago tumango.

"Pero--"

"Please Darren, gusto ko siyang makausap. Kahit ngayon lang. Gusto kong... gustong kong humingi ng tawad sa kanya..."

"Pero hindi mo naman kailangang humingi na tawad sa kanya, Allison."

"Kailangan ko Darren. Hindi ako matatahimik hanggang alam kong may taong galit sa akin. Hindi ko kaya yun Darren. Kaibigan ko si Krystal, kaya gusto kong mag ka ayos manlang kami." bumuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Lahat naman gagawin ko para sa kaniya.

"Sige. Pero hindi muna ngayon. Bukas nalang." pumayag naman sya na bukas nalang sila mag kita ni Krystal.

Hapon na ng makarating dito sa hospital si Jasmine. Wala rin namang kaming ginawa kundi ang aliwin lang si Allison. Sa bawat oras kasi na tumatahimik ang buong kwarto, kahit hindi man sabihin sa amin ni Allison, alam ko ang tumatakbo sa utak nya. Kaya hanggat maari nililibang namin sya.

"Allison, kung papalarin kayo ulit ni Darren na mag ka anak, anong pangalan ang gusto mo?" tanong sa kanya ni Jasmine. Tumingin naman ako kay Allison at nakita ko syang ngumiti ng malungkot.

"Kung mag kakaroon man nga kami, ang gusto kong pangalan ay Harris. Kung sa babae, Elmira. Pero mukhang malabo nang mangyari iyon."

"Bakit naman hindi? Alam naming gagaling ka. Kaya mag kakaroon pa kayo ng anak. Bibigyan mo pa ako ng inaanak eh." ngumiti nalang sya kay Jasmine bilang sagot.

"Gusto mo na bang mag pahinga Alli?" tanong ko saka ako lumapit.

"Oo eh." sagot nya. Hindi ko alam kung double meaning ba yon o hindi pero binaliwala ko nalang. Inalalayan ko itong humiga ng maayos.

"Sige Allison, alis na ako. Pagaling ka okay?" paalam ni Jasmine.

"Oyy Darren alis na ako." sabi nito sakin sabay tapik sa balikat ko. Tinanguan ko na lang sya bilang sagot.

"Mag pahinga kana rin Darren, alam kong pagod ka na sa kakabantay sa akin."

"Hindi okay lang ako. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka." ngumiti sya saka nya hinawakan ang kamay ko.

"Maraming salamat sa lahat Darren. Kahit na pwede mo naman nang iwanan ako, pero mas pinili mo pa ring manatili sa tabi ko. Siguro nagiging pabigat na ako sayo." humigpit ang hawak ko sa kamay nya.

"Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na pabigat ka. Diba sabi ko naman sayo, kahit ipag tabuyan mo pa ako hinding hindi na kita iiwan?" huminga ako ng malalim. Siguro eto na ang tamang oras para sabihing mahal ko sya.

My Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon