ALLISON'S POV:
"ALLISON!!!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nag lalakad kasi ako sa hall way ng school namin.
"Oh, Jasmine ikaw pala." Jasmine Repiso, sya ang bestfriend ko dito sa school. Maliban sa kanya meron pa akong isang kaibigan. Si Krystal Ocampo.
"Ang bilis mo namang mag lakad! Grabe ka. Hiningal tuloy ako." sabi nya habang sapo sapo ang dibdib nya.
"Ganun ba? Edi sorry. Ah teka, asan si Krystal hindi mo ata kasama?" tanong ko. Kalimitan kasi sabay silang pumasok tuwing umaga eh.
"Malay ko dun sa babaitang yun. Ang tagal ko kayang nag hintay sa tapat ng bahay nila! Pero alam mo ba? Namiss kita!" sabay yakap nito sakin.
"Weh? Talaga? Parang di naman. Saka sabado't linggo lang di tayo nag kita eh."
"Ako namiss ko kayong dalawa!" napalingon kami sa nag salita sa likod namin.
"Krystal." - ako
"At saan ka naman nag sususot na babaita ka? Alam mo bang iniintay kita sa inyo? Huh?" sabi ni Jasmine habang nakapameywang.
"Eh kasi..." - Krystal
"Kasi?" - Jasmine
"Sabay kasi kaming pumasok ni Darren eh." sagot naman ni Krystal na parang nahihiya. Wala sana akong planong makisawsaw sa usapan nila ang kaso narinig ko yung pangalan ni Darren.
"Si Darren?" - ako
"Oo. Alam nyo bang nag tanong sya sakin kagabi kung pwede daw syang manligaw?!" - Krystal
"..........." - ako. Nag tanong si Darren kay Krystal kung pwede syang manligaw? Ouch.
"Waaaaaah! Talaga?! Totoo ba yan?!" kinikilig na sabi ni Jasmine.
"Oo." - Krystal
"Anong sabi mo?" - ako. Please. Sana hindi sya pumayag.
"Syempre pumayag ako. Matagal ko na kaya syang gusto." - Krystal.
"Ano bayan! Hindi ka manlang nag pakipot!" sagot naman si Jasmine.
"Eh para saan pa? Eh dun din naman punta nun!" - krystal
"Sabagay." pag sang ayon naman ni Jasmine
"Ahh ganun ba? Pumayag ka pala. Tara na sa room. Baka malate pa tayo." - ako. Hindi ko na sila hinintay basta nauna na akong nag lakad papuntang room.
Bigla ako nawalan ng gana na ewan. Nabadtrip ako bigla. Siguro dahil sa mga nalaman ko. Sino si Darren? Si Darren Fuentes lang naman ang taong gusto ko. Ay mali, ang taong MAHAL KO. Ang kaso pinopormahan na pala nya si Krystal. Matagal ko na syang gusto since first year palang ako. Hanggang sa nagtagal minahal ko na rin sya.
BINABASA MO ANG
My Last Wish
Short StoryMasama na bang ihiling kung ang kaisa-isang hiling ko lang naman ay ang mapansin niya rin ako katulad nang atensiyon na ibinigay niya para sa kanya? Masama na bang ihiling na maging akin siya? Masama na bang ihiling na sana ako nalang ang mahal niya...