Chapter 2

180 2 0
                                    

AFTER 2 MONTHS:

ALLISONS'S POV:

College na ako. Sabi nila mahirap daw maging college. Sabi naman ng iba, madali lang daw. Akala ko magiging masaya ang College life ko. Kaso nalaman ko dun din pala papasok si Darren kung saan din ako mag aaral. Kung kelan tanggap ko na na wala na akong pag asa sa kanya,saka naman nangyari to. 

Hindi sila parehas ni Krystal ng University. Tourism kasi ang kinukuha ni Krystal. Si Jasmine naman Business Management ang kinukuha. Ako, Architechture. Mag kakahiwalay kaming tatlo ng University. Ngayon ko lang din nalaman na parehas pala kami ng course ni Darren at ang masaklap mag kaklase pa kami.

Hindi nag tagal naging close kami ni Darren. Dahil nga sa wala syang kakilala sa university na pinapasukan namin maliban sa akin. Mas lalo ko tuloy syang minamahal. At mas lalo ko namang pinapaasa ang sarili ko na baka pwede pa.

"Allison!" tawag sakin ni Darren

"Makasigaw ka naman parang ang layo ko ah." makasigaw ba naman kasi eh mag katabi lang naman kaya kami.

"Hahaha sarap kasing bigkasin ng pangalan mo eh." sabay akbay nito sakin. Hay, Darren pag ganyan ka ng ganyan baka makalimutan kong Boyfriend ka ng kaibigan ko at agawin kita sa kanya.

"Ewan ko sayo. Tigilan mo nga ako." pilit ko tinatanggal yung kamay nya sa balikat ko. Kaya kami na pag kakamalang mag syota eh. Pero sana totoo nalang.

"Ayoko nga. Ang ganda mo kasi eh." sabay gulo ng buhok ko.

"Arrrgh! Tignan mo, ginulo mo buhok ko! Saka matagal ko ng alam na maganda ako noh! Bitaw nga!" nakakainis pero kinikilig ako. Sana hindi na matapos ang oras na to. Sana ganto nalang kami palagi.

"Hahaha ang cute cute mo talaga." sabay pisil malalamog ata ako sa lalaking to.

"Aish! Pasalamat ka mahal kita." pabulong na sabi ko.

"Huh? Anong sabi mo?"

"Wala binge!"

"Ano nga?!"

"Wa--"

"Darren."

"Huh? Krys!" bigla naman ako binitawan ni Darren. At tumakbo palapit sa pinaggalingan ng boses. Napatingin ako sa harapan ko, si Krystal pala.

"Anong ginagawa nyo ni Alli?" tanong ni Krystal. Habang matimtimang nakatingin sa akin.

"Huh?" - Darren

Yung mga tingin na yun, alam ko ang ganung tingin. "Wala naman." ako na ang sumagot para kay Darren.

"Talaga? Kung titignan nga kayo... parang kayo eh." iba na ang tingin na binibigay sa akin ni Krystal. Tingin na nag dududa.

"Ano ka ba naman Krys, syempre wala lang yun. Inaasar ko lang si Alli eh." sagot naman ni Darren kay Krystal.

"Alli? Aba, talagang close na kayo no?" tanong nito kay Darren.

"Huh?" takang tanong ni Darren sa sinabi ni Krystal.

"Ang alam ko kasi, ang maaari lang tumawag ng 'Alli' kay Allison eh yung mga taong close nya."

"Wala yon. Hindi naman na iba sakin si Darren. Syempre, boyfriend mo sya eh. Nakakasama ko rin sya pag magkakasama tayong tatlo nina Jas." alanganing sagot ko.

"Talaga lang huh?"

"Tama na nga. Ngayon na nga lang ulit kita nakita tinatarayan mo pa ako." palambing na sabi ko dito.

My Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon