Sarah, Sarah Anthony.

37 2 2
                                    

Maaga akong nagising ngayong umaga. Parang ang ganda-ganda pa ng gising ko. Mukhang s'swertihin na naman ako ngayong araw na 'to.

*ring ring*

Hindi ko 'to pinansin

*ring ring*

Manigas ka kung sino ka man

*ring ring*

Sino ba 'to?!

Hay nako. Maganda na nga sana buong araw ko nang makita kong tumawag ang pinakamabait kong kaibigan.

"Wala si Sarah. Tulog pa." Sinabi ko pagkatapos kong sagutin ang telepono.

"Hay nako Sarah. Alam ko namang ikaw yan." Sagot niya kaagad. "Pilitin mo mang hindi ako sagutin, kailangan mo pa ring pumunta ngayon sa eskwelahan."

Huh? Sabado ngayon ah?? Ano bang meron?? Keith talaga.

"Ano? At bakit?!" Angal ko.

"HOY babae, ikaw lang naman ang representative ng buong school sa darating na United Writers Press Conference - Editorial Cartooning Division." Sabi niya.

"Hah?!" Sagot ko... oonga pala. Sinabihan ako ni Ms Guttierrez nung isang araw. "May training ba ngayon?" Pahabol kong sagot.

"Oo naman. Kaya nga pumunta ka na dito habang may 30 minutes ka pa." Sabay baba ng telepono.

Yihhhh 30 minutes?! Eh kapag maliligo ako, 10 minutes tapos kakain pako, kahit mga 5 minutos yon... Tapos, magc'commute pa ako nang 25 minutes. 25 + 15 equals 40.

40 MINUTES ANG KAILANGAN KO!!!

"Bwiset." Bulong ko sa sarili ko.

Binilisan ko na lang maligo, 8 minutes.

Hindi na ako kumain, 0 minutes.

Yes! May 22 minutes pa ako...

"Bye ma." Sinabi ko pagbaba ng hagdanan at agad lumabas.

"Hindi ka ba-" sagot niya na hindi ko na narinig pa.

"Text na lang kita ma. Kailangan ko daw punta school." Bilin ko kay Mama.

Tila sumasang-ayon sa akin ang araw na ito at agad akong naka-para ng tricycle.

"Manong, sa Sta. Teresa po." Sabi ko pagsakay.

Tahimik lang si Manong Driver. Buti naman.

Sino kaya ang mga makakasama ko?

Naku, baka naman ma-intimidate ako.

MAGB-BACK OUT NA LANG AKO!!!

Pero kasi um-Oo na ako. Ayoko naman maging bomba kay Ms. Guttierrez. Ayoko maging Paasang Mang-iiwan. Chos!

Tinext ko si Mama.

"Ma, may training daw po kasi kami ngayon para sa UWPC... alam niyo naman yon 'di ba? Sorry po 'di ko kaagad nasabi... nakalimutan ko po eh. Labyu Ma."

Tatawagan ko na rin sana si Keith nang biglang tumigil ang tricycle.

"Andito na tayo." Sabi ni Manong Driver.

Dudukot na sana ako ng pera nang biglang, napansin kong hindi pala ako nakahingi ng pera kay Mama.

"Shiz!" Pabulong na sigaw ko.

"Bakit iha?"

Kalkal na ako nang kalkal. Nang buti naman, nakita ko ang natirang 50 pesos mula sa baon ko kahapon.

"Eto po bayad." Sinabi ko paglabas ng tricycle.

"Salam-" ang narinig kong sagot ni Manong Driver.

Nang Dahil sa SiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon