Mr. YOSO

29 3 0
                                    

"Oy sorry na! Patawarin mo na ako." Sabi ni Keith.

Katatapos lang ng morning session ng practice. Lunch break na.

"Saraaaaah! Nakalimutan ko lang namang sabihin sa iyo eh..." mangiyak-ngiyak nyang sinasabi.

Nagpatuloy lamang ako sa pag-ayos ng aking mga gamit. Hindi pa ako tapos.

"Oy sige na! Ililibre kita. I'll just ignore yung pinag-usapan natin! Yung pinagpustahan natin!"

Hay nako, sakto kailangan ko na talagang kumain.

HINDI PA AKO NAKAKAPAG-ALMUSAL.

"Oy libre kita lunch sabi eh!" Sinabi niya sabay luhod.

Nagpustahan kasi kami na kung sino man ang may mas mataas na score sa test namin sa Math, eh siya ang manlilibre for 2 days.

Ewan ko ba dito kay Keith. Kasama naman siya sa top 5 sa klase...

Pero porke "tinatamad" daw siya ay sinadya naman niyang babaan ang score niya.

Magaling rin naman ako kahit papaano sa sa Matematika.

Subalit, hindi ako yung "genius" type kaya napasa ko lamang ito.

Nakaluhod pa rin si Keith at tila bang umiiyak na.

Ayoko nga muna siyang pansinin kasi may mali siyang nagawa sa akin.

Hindi naman pwede yung kakausapin ko na lang siya na para bang walang sakit sa damdamin ko.

OA ako, oo pero ganun naman talaga dapat. Dapat hindi plastik.

"Patawarin mo na kasi..." Biro ni Kuya Humphrey.

"Oonga, 'wag na kayo mag-LQ..." sabi pa ni Kuya Trevor.

Tinitigan ko lamang sila ng masama at natawa na lamang sila.

Nakakaawa nga naman si Keith.

Mukha namang nagsisisi talaga siya kaya naman patatawarin ko na rin siya.

Ayoko naman maging malupit. May pusong mamon rin naman ako. Tao rin ako.

"Tayo." Sabi ko.

Tumayo naman agad siya ng walang sabi-sabi.

"Sorr-" pagpapaliwanag niya nang bigla "Shhhh." Pagsisita ko sa kanya.

"Keith, mali naman yung ginawa mo sa akin."

"Hindi naman pwede yung mamadaliin mo ako na para bang madali lang maligo, magbihis at magcommute."

"Alam mo namang pwede akong sumpungin ng asthma ko kapag ako'y nasasabak sa pagtakbo, 'di ba?"

Tumango siya.

"Alam kong mayroon akong konting pagakakamali rin..."

"Sorry." Sabi niya na naman.

"Okay na." Sabi ko.

"Bati na tayo?" Tanong niya.

"Oo. Bati na tayo." Sinabi ko nang bigla niya akong yakapin.

Pa'no ba namang hindi ko siya patatawarin eh siya lamang ang pinaka-totoong kaibigan ko sa buong buhay ko.

Mula pagkabata nami'y magkasama na kami.

Nailigtas pa nga niya ang buhay ko.

Isang araw kasi, kami'y bumisita sa kanilang bahay tutal magkaibigan ang aming mga magulang.

Nakatira sila sa isang subdivision.

Alam ko, mapayapa sa mga subdivision kaso, biglang may humaharurot na sasakyan.

Nang Dahil sa SiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon