Pride and Inspiration.

11 3 0
                                    

"Oh, bakit hindi ka makasagot?" Tanong ni Leo. Hah?!  Eh sa wala at hindi naman talaga!


"Ha? Ano yun?" Tanong ko. "Wushu." Sabi niya. Ngumiti na lang ako. Nagsketch na agad siya. Well, hindi ko kasi siya katulad na may cheche bureche pang nalalaman.

In the next 45 minutes, pure silence lang... as if focused talaga kami. Agad siyang natapos. Hindi tulad ko na may kaartehan pang nalalaman na polishing chorva.

Patay talaga sa akin itong Keith na ito.

Nung natapos ko na, agad ko itong pinass kay Ms. Gutz, pagdating ko sa may table niya, sumenyas siya na para bang ilagay ko na lang ito sa mesa... may kausap kasi siya sa telepono niya.

Pagbalik ko dun sa may table, nakita kong tinitingnan ni Leo yung Sketch pad ko... Shizz! Baka ma-echos lang ako sa kanya kasi mas magaling siya kesa sa akin.

"Huy!" Sinabi ko sa kanya sabay hablot nung sketch pad ko. "Wow ha! Ang galing mo idol." Sabi niya. Idol daw. Haha.

"Halos about nature yung theme mo sa bawat drawing mo noh?" Sabi niya. Hindi na lamang ako umiimik dahil sa kahihiyan. "Woy, na-offend ba kita? Sorry, ha? Kasi nga naman hindi man lamang ako nanghiram." Sabi niya sabay yuko kunwari.

"Hinde, uhm... okay lang! Nahihiya lang ako... hehe." Sagot ko. "Ano ba ang dapat mong ikahiya? Talent mo yan Sarah. Dapat nga, ipagmalaki mo yan!" Sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Oh ayan." Inabot niya yung sketch pad niya. Hindi ko naman ito hinihiram ah...

"Bakit?" Sabi ko. "Bakit ano?" Tanong niya. "Bakit mo ipinapakita ito sa akin?" Sabi ko sa kanya...

"Baka naman kasi unfair sa'yo. Baka sabihin mo hanggang salita lang ako. Ayan. Tingnan mo yan. Proud naman ako sa talent ko noh!!" Biro at pagpapaliwanag niya.

Tiningnan ko naman yung sketch pad niya. Ang gaganda ng bawat drawing. Grabe. Halos puro animals and plants din yung theme niya... pagkalipat ko sa isang page, nakita ko, nakasketch yung arko ng TRUJILLO ZOO. Natuwa ako sa ginawa niya.

"Oh, kitams! Ikaw nga natatawa sa mga ginawa ko." Sinabi niya na para bang nahihiya na siya. "Hinde... natutuwa ako! Ang galing kaya." Sagot ko. "Mas magaling ka." Sagot niya.

"Naku, bola pa sige." Biro ko. "Totoo naman eh." Sabi niya.

TOTOO NA NGA DAW SARAH. HUWAG NANG PABEBE.

Hindi na lang ako sumagot. "Teka, akin na." Sabi niya. Binigay ko naman sa kanya yung Sketch Pad.

He browsed through the pages. Yung para bang, may hinahanap siya. He stopped at a certain page.

"Ayan. Hulaan mo kung sino yan." Sabi niya. Pagkakita ko sa page na yun, may babaeng nakatalikod tapos nakadress na yellow. Parang nakaside yung ulo niya tapos parang may ginagawa siya.

Teka nga, diba naka-yellow dress ako kahapon sa zoo?!

"Hindi mo pa rin mahulaan?" Sabi niya. Umiling ako. Baka naman feeler lang ako na ako nga yun. As if naman, iddrawing ako ng isang Leonardo Trujillo Dizon.

"IKAW." Sagot niya.

Uhm,

I'm speechless.

"Oh anong masasabi mo? Yih, baka naman nadisappoint ka." Sabi niya. Ano? Ako? Disppointed? "Hindi noh." Sagot ko.

"Eh bakit parang wala kang masabi?" Tanong niya. "Eh ano kasi, hindi ko expect ito." Sagot ko naman. "Bakit? Bakit mo naman naisipang idrawing ako?"

"I was inspired na idrawing ka." Sagot niya...

Wew. Eh wala naman siyang dalang sketch pad nun ah! May Photographic Memory si koya?!

Pagtingin ko sa orasan ko, 4pm na. Ang bilis ng oras. Dismissal na. Pinatawag kaming lahat ni Ms. Gutz. "Okay, everyone. I'm so glad that we are complete today! Yung mga hindi nagpapass ng layouts diyan ah, wala kayong prize sa akin!" Biro ni miss... buti na lang, nakapagpass na ako ng dalwang piece!

"Yih, miss! We are not informed!" Biro nina Kuya Trevor. "Hay nako." Sagot na lang ni miss... nagtawanan na lang kami.

"Okay, it's 4pm already. Uwi na kayo, magpahinga ah? 2 weeks na lang, contest na. Ingatan niyo mga sarili niyo." Huling bilin ni Ms. Gutz  bago nagsi-alisan lahat. Inantay ko si mokong.

Si Leo naman, "Bye, Sarah!" Sabi niya sabay labas ng pinto. Tumango na lang ako at ngumiti.

"May pa-bye-bye pa talaga ah? Dinaig pa ang magkasintahan!" Sabi ni Keith. Hinampas ko siya ng malakas.

"Aray!" Sabi niya. "Bakit mo naman ako hinampas??" Tanong niya habang hinahaplos yung parte na hinampas ko.

"Ba't ba sinabi mong namimiss ko si Leo?" Tanong ko. "Eh sa yun yung totoo!" Sagot niya. "Tara na nga baka lalo pa kitang maupakan!" Sabi ko sa kanya. Tumawa na lang siya.

Dumeretso na lang kami sa Food Court. Kumain na lang kami nung KwekKwek na paborito namin.

-

Short update only :-) sarreh! Hehe ♡♡

Kung may suggestions kayo, feel free to message me okaya magcomment kayo!

Thank you for the reads! Sana nag-eenjoy kayo sa bawat chapter!!

HarrietHood ♡

Nang Dahil sa SiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon