Surprise?

11 3 0
                                    

"Sarah. Gising na! Kanina ka pa ginigising!" Sigaw ng Ate kong napakabait.

Oo. May ate ako.

Well, graduate lamang siya ng UP at Cum Laude siya. Nag-BS Psychology siya kahit na napaka-galing niya sa larangan ng Sining.

IDOL KO NGA SIYA EH. Sa kanya ko talaga nakuha ang hilig sa Sining.

Halos 10 taon ang tanda niya sa akin. Ang galing mag-Family Planning ng mga parents ko noh?

Haha. JK.

Pagkarinig na pagkarinig ko sa boses ng ate ko, agad-agad akong bumangon at hinanap kung nasan siya.

Bumaba na ako at pumunta sa may kusina.

"Ate ko!!!" Bati ko sa kanyang bonggang-bongga.

"Hello Raaa!" Bati niya rin sa akin sabay yakap.

Grabe miss na miss ko na si ate. Lagi na lang kaya siyang busy.

Trabaho dito, trabaho doon. Ganun lang siya simula nung mag-graduate siya.

Magaling nga, eh ni-boyfriend hindi pa rin siya nagkaroon simula nung naka-graduate siya.

Paano ba naman, kada manliligaw na lang niya ay lagi siyang may "comment".

Kesyo may problema daw ito, kesyo may problema daw iyun.

Lahat na lang may problema.

Magt-25 years old na siya sa susunod na taon.

Pumunta na ako sa usual na pwesto ko sa dining table at nagsimula nang kumain.

"Kamusta naman ang bunso namin?" Sabi niya sabay akbay sa akin.

"Eto, maganda pa rin naman." Biro ko naman.

"Eh kamusta naman ang ate kong magandang-maganda?" Dagdag ko naman.

Pasagot na sana si ate nang sumingit si Papa.

"Na wala pa ring boyfriend?"

Tila nasimangot si Ate.

"Pa naman eh! Maganda nga daw po ako sabi ni bunso. Sapat na yun for now!" Sabi niya at sabay-sabay naman kaming humalakhak.

"Pero ate, wala ka pa rin ba talagang boyfriend? Maski manliligaw?" Pag-singit ko.

"Naku! Eh kung manliligaw ang pinag-uusapan, marami ang ate mo niyan! Wala nga lang siyang sinasagot pa." Sabi naman ni Mama.

Ngumiti na lang si ate.

"Hay nako. Pinagtutulungan niyo na naman ako ah! Sana pala hindi na ako umuwi." Biro ni ate.

Sina Mama talaga. Lakas ng trip eh.

"Pwera biro ate, kamusta ka na Ate Ja?" Tanong ko.

(Claudia kasi pangalan ni ate... kaya "Ate Ja" ang tawag ko sa kanya.)

Syempre, baka naman inaapi na siya dun.

"Okay naman. Ang dami-dami ng mga bagong pasyente. Narating pa nga ako sa Norte eh." Sagot ni ate.

Si ate ko talaga... ang galing-galing talaga.

"Hanggang kailan ka dito ate?" Tanong ko.

Bigla siyang napasimangot.

"Hanggang mamaya lang ako Ra. Pinilit ko lang talagang makabisita rito eh." Sabi ni ate.

Aww. Sayang naman.

"Yih ate! Mabibitin lang me." Biro ko.

Mabibitin talaga akooo.

"Kaya nga sulitin natin. Bilisan mo nang kumain at maligo ka na!" Sabi ni ate.

Nang Dahil sa SiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon