Late.

20 3 0
                                    

"Sarah, gising na 'nak, may pasok ka pa..." Narinig kong sinabi ni Mama pagkatapos kumatok.

"Opo ma." Sagot ko na lang na parang inaantok... well in fact, inaayos ko na yung notebooks ko.

Sa totoo lang kasi, kanina pang 4am ako gising. Ang weird kasi ng napanaginipan ko.

Naglalakad daw ako papunta ng school. Habang naglalakad, may kumalbit daw sa likod ko. "Ineng, may nahulog ka." Sabi nung matandang babae sabay abot nung suklay ko. Ano ba yan, naisip ko. Pati ba naman sa panaginip ang tanga-tanga ko.

Pagkakuha ko nung suklay, may hirit pa si Lola. "Ang ganda mo naman, Ineng. Kamukha mo yung pamangkin ko." Ha? Edi wow po este "Ah talaga po? Sige po, una na po ako baka malate pa ako." Sagot ko. Paalis na sana ako nang mamaya-maya'y hinawakan nung babae yung palad ko... yung parang may binabasa siya. Hala! Baka manghuhula si Lola.

"Aba-aba, Ineng. Sarah ba ang pangalan mo?" Tanong ni Lola. Malamang malalaman niya kasi naka-uniform ako... Ay teka, naka-PE uniform pala ako.

"Opo, La." Sagot ko. "Magaling ka sa Sining... Sapagkat, nang dahil sa sining, matututong umibig ang puso mo." Sabi niya. OMAYGASH. KILEGMATS.

"Subalit, nang dahil rin sa Sining, masasaktan ang puso mo."  Ouch. Grabi naman Lola.

"Kaya, mag-iingat ka sa --" itutuloy sana nung babae nang bigla akong magising.

Ano ba 'yan! Anong meron? Ano ang kailangan kong iwasan?

Sino?! Bakit?! Paano?!

Shizz. Kinakabahan ako. Lord, masyado pa akong bata para sa ganito. Pero baka naman OA lang ako. I'll just ignore what that old lady said in my dreams, I thought.

Babalik na sana ako sa tulog... KASO HINDI NA AKO MAKATULOG. Well, okay lang naman kasi partly for  may Assembly ngayon so kailangan maaga.

Aside from that, iniisip ko pa rin yung nangyari sa Zoo. What a coincidence, right? Napahiga na lang ako sa kama. Una, kina Leo yung Zoo. Tapos ang pinaka-weird is kung paano kami pinagtagpo ng tadhana kahapon.

Paano nangyari na nakita niya ako sa Zoo? It's too mysterious. Humihirit na naman si Mr. YOSO! jk.

In the end, masyado pa akong bata for these things. Nag-review na lang ako for our quizzes for this day. Ayoko magpa-stress! (Meaning, sapat na ang school para maging stress ko! Jk.)

Tapos nun, ayun. Ginising na ako ni Mama.

Naligo na ako... nagbihis at nagpunta sa baba for breakfast. Pababa pa lang ng hagdanan, amoy na amoy ko na yung mga niluto ni Mama. Amoy masarap. What a great way to start a new week!

"Kain na anak." Sabi ni Mama. Umupo na ako sa usual place ko sa dining table at kinain na yung bacon, eggs at daing na niluto ni Mama. Engsherep!

Nag-toothbrush muna ako kasi, iba na kapag mag-amoy daing ako buong araw. Pagkatapos kong mag-toothbrush, may text agad from Keith.

Grabe ha? 'Di man siya nagreply kahapon.

"Good Morning Sarah the first. Kwento ko na lang sa'yo mamaya yung kahapon! Naubos load ko tsaka tinamad na ako! Haha :-)"

Habang binabasa ko naman, napangiti lang ako tapos eto namang si Mama, "Hay nako, anak. Baka naman kayo na ni Keith. Hindi ka lang umaamin." Ano ma?! HAHA! JUST FUNNY!

"Ma, alis na po ako baka kung ano pa maisip niyo d'yan!" Biro ko. Kiniss ko si Mama then she said goodbye na rin.

Nag-para na ako ng tricycle then the same happened, "Manong, sa Sta. Teresa po." Sabi ko. Namukhaan ko si Manong. Siya rin yung naghatid sa akin nung Sabado!

Nang Dahil sa SiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon