HWIB- Day 3

25 3 1
                                    



Kathryn's POV





"Kath, patay na si mama." sabi ni Kuya Kevin. Iyak ako ng iyak, hindi ko kaya na wala si mama sa buhay ko... bakit niya pa kailangang mawala? Sobrang sakit ang mawalan ng magulang at sa tingin ko ay hindi ko ito kakayanin.



"Nasagasaan siya ni Daniel. Dead on arrival si mama." halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Pero mas angat ang galit. Galit kay Daniel dahil sa dinami-raming taong masasagasaan niya, bakit si Mommy pa? Bakit si Mommy pa na halos itinuring siyang anak? Bakit si Mommy pa na sobrang bait at mapagmahal?



Agad akong tumakbo at sumugod sa ospital... hindi ako makapaniwalang wala na si mama.



"Mommy!!!" niyugyog ko ang malamig na katawan ni Mommy Min. "Mommy, please don't leave me...." tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko kakayanin 'to. "I love you ma."




"Kathryn, sorry." narinig ko ang malamig na boses ng isang lalaki mula sa aking likuran... agad ko siyang nilingon at nakita ko si Daniel... *pak* nasampal ko si Daniel sa sobrang galit.




"Anong magagawa ng sorry mo? patay na si Mommy at wala ka ng magagawa para mabago yun. I HATE YOU DANIEL."




Minulat ko ang aking mga mata... ramdam ko ang pagagos ng aking mga luha. Isa lang pala iyong panaginip, hindi totoo yun Kathryn. Please don't panic.



"Goodmorninggggggg!" bati ko sa aking sarili sabay bangon. Pero teka? Bakit ako nandito sa iisang kama katabi 'tong isang lalaking walang damit pangitaas.



Anong nangyari? At teka, sino ba 'tong lalaking 'to?



Sinilip ko kung sino ito at nakita kong si... "DANIEL?!"



"Waaaaah! Daniel!!" *pakpak pakpak* pinaghahampas ko si Daniel dahilan para siya'y magising. "Why the f*ck are you here?" patuloy ko parin siyang pinaghahampas. Wahhhh! inis na inis ako sa kanya! Bakit kami magkatabi dito?!! At teka, bakit nagbago ang suot kong damit?!




"DANIEEEEEEEEEEL! WHAT THE HELL HAPPENED LAST NIGHT?!" I shouted aloud.

He's the worst, and I'm the BESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon