HWIB- Day 2

23 4 2
                                    



Kathryn's POV




"Damn!!!! I'm so f*cking tired!!" I shouted aloud "What the hell did I do to deserve this f*cking... UGH!" Hindi ko na talaga makayanan ang pagod. Wala na 'kong ibang magawa kundi ang sumigaw habang naglilinis at nagaayos ng kwarto ni Daniel.



Hindi pa ako nakakatulog o nakapagpahinga manlang simula nung iniwan ako ni Daniel kagabi dito sa kwarto niya. Ramdam ko na ang pagkapagod at pagkagutom, sa sobrang kalat, gulo at sa dami ng utos sakin nung mokong nayun ay hanggang ngayon ay hindi parin ako tapos sa mga pinapagawa niya.




*tok tok*




"Yes, come in." pumasok si Ate Pretzie na mukhang gulat na gulat sa akin.




"Ma'am, May I able to help you to ayos things of ser D-daniel?" Halatang halata ang pagkahirap ni Ate Pretzie sa pagsasalita ng English, ang akala niya siguro ay hindi ako nakakaintindi ng tagalog.




"Pffft!" hindi ko na napigilan tumawa. "Haha! Ate Pretzie, I can understand tagalog po..." pagpapaliwanag ko sa kanya na tila'y agad niyang ikinagalak. "Ano pong ibig nyong sabihin kanina?"




"Ay, Ms. Kathryn, Pasensya na ho." natatawa pa ito sa kanyang sarili. "Gusto niyo ho bang tulungan ko kayo dyan sa mga inuutos ni Ser?"




"Salamat nalang po Ate Pretzie, pero kaya ko na po ito. At isa pa, baka magalit saakin si Daniel at walanghiya akong nagpatulong sa'yo." Pagtanggi ko, pero sa loob loob ko ay gustong gusto ko na talagang magpatulong dahil sa totoo lang ay hirap na hirap na ako.



Pinilit kong ngumiti kay Ate Pretzie na nagdala sa kanya palabas ng kwarto. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko ng wala pang kain at tulog.




"You can do this Kathryn." bulong ko sa sarili ko.





Daniel's POV



He's the worst, and I'm the BESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon