HWIB- what happened?!

24 4 0
                                    


Naabutan ko si Kathryn na nakahiga sa kama ko, nanginginig at pawis pawis... agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang noo niya... ANG INIT NIYA!!



"Sh*t Kathryn! What happened to you?" sobra akong nagaalala sa kanya dahil sobrang taas ng lagnat niya. "Kathryn, please wake up." Minulat naman ni Kathryn ang mga mata niya at biglang umiyak... kitang kita sa mga mata niya na nahihirapan siya.



"D-Daniel..." mahinang sambit ni Kathryn sa pangalan ko. Ang ganda niyang tingnan, parang anghel yung mukha niya. Napakaganda nitong si Kathryn haay.




Hinaplos haplos ko yung buhok niya... "Kathryn, bakit?" nanginginig parin siya at tuloy sa pagiyak.. nakakaawa siyang tingnan dahil kitang kita kong nahihirapan siya, tangina Daniel!




"I'm so freakin' tired... I'm not yet eating and sleeping since last night.." patuloy parin ang pagagos ng mga luha niya... "What did I do to deserve this Daniel?" nakaramdam ako ng guilt dahil sa mga inutos ko sa kanya. Ang gago mo talaga Daniel!!




"Ate Pretzie, pakiabot naman po ng towel at maligamgam na tubig. Ang taas po ng lagnat ni Kathryn, pakisabi narin po kay Ate Liza pakilutuan po si Kathryn ng lugaw at pakiabot narin po ng gamot at tubig. Salamat po." Kailangan kong alagaan si Kathryn dahil kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat siya inutusan ng ganun.. hindi pa naman siguro siya sanay sa mga gawaing bahay.




"Huhu Daniel... I'm starving.." gutom na gutom na talaga siya, nakakaawa talaga siyang tingnan. "Daniel, please be good to me...." nakaramdam na naman ako ng guilt sa sarili ko dahil sa gianawa ko sa kanya. Ganon na ba ako kasama? Lalo na't babae pa naman 'tong si Kath.





"Shhh. Kath, wag ka ng umiyak." pinapatahan ko siya habang hinahaplos ang mga buhok niya. "Ako na ang bahala sa'yo." tumigil na siya sa pagiyak kasabay ng pagdating ni Ate Pretzie.



Nako, pawis na pawis siya... hindi naman pwede na ako ang magpalit ng damit niya dahil kahit naman ganito ako, may respeto parin ako sa mga babae.



"Hmm, Ser. Ano nalang ho ang magpupunas at magpapalit ng damit ni mam." pagprisinta ni Ate Pretzie ay agad ko namang ikinatuwa... sabagay, parehas naman silang babae si Ate Pretzie nalang ang bahala sa kanya.




Lumabas na ako ng kwarto at tumungo papunta sa baba...



"Ate Liza, okay na po ba 'tong lugaw?"



"Oo Daniel, dalhin mo nayan dun at pakainin mo na 'yang girlfriend mo. Kagabi pa yan di kumakain." girlfriend? Aba eh hindi ko naman girlfriend si Kath... napatawa nalang ako sa sinabing yun ni Ate Liza at iniakyat ko na ang lugaw sa kwarto ko.



Sakto naman at pagkadating ko ay tapos na siya bihisan ni Ate Pretzie. Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang umupo para mapakain ko siya ng lugaw...



"Kathryn... say ah"



"No Daniel, kaya ko na 'to."





"I insist." wala na siyang nagawa pa pa at pinakain ko na siya... pagtapos niyang kumain ay pinainom ko na siya ng gamot at pinagpahinga.




"Sana, bukas ay ok kana." bulong ko kay Kathryn. At sa sobrang pagod ko ay napahiga narin ako sa tabi niya at nakatulog...








--


He's the worst, and I'm the BESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon