HWIB- Day 5

18 2 1
                                    



Daniel's POV


Paglabas niya ng CR kagabi ay agad akong kinabahan, hindi ko alam kung ano ang dahilan.


"Daniel...." tawag sakin ni Kathryn. Biglang kumabog ang puso ko, napakasweet ng boses niya na tila ba'y ang sarap pakinggan. "Daniel.. thank you." walang anuman, basta't para sa'yo. "I really appreciated everything you did." thank you... lahat para sa'yo! "I'm so proud of you. You're the real MVP." gusto ng tumulo ng mga luha ko sa sinabing 'to ni Kathryn... pero pilit kong pinipigilan dahil ayokong makita niya akong umiyak. Ang sarap sa pakiramdam na sabihan ng isang Kathryn Chandria Manuel Bernardo ng mga ganitong salita...



Hindi ko mawari pero, sobrang saya ko kapag kasama ko si Kathryn.. Kahit na puro kami away eh ayos lang sa akin. Sa kanya ko natutunan kung paano rumespeto sa mga nararamdaman ng mga babae.



Muli siyang yumakap saakin, napakasarap sa pakiramdam ng ganito... "Daniel... thank you for everything." walang anuman Kathryn, basta lahat para sa'yo... "You don't know how much I am thankful to you." Hindi ko na maipaliwanag ang sinisigaw ng puso ko.... bakit ba ako nagkakaganito? "Please, I want you to stay by my side." I want you Kathryn, IN MY LIFE.




Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Kathryn... bawat isa dun ay gusto kong sagutin pero hindi ko alam kung bakit takot akong sagutin siya.. TAKOT AKO AT NADUDUWAG AKO. Hindi ko magawang sabihin sa kanya yung tunay kong nararamdaman.




Ang tanga tanga ko kasi, yung chance na mismo yung lumalapit saakin pero hindi ko pa tinetake yung chances... ANG TANGA KO DAHIL NADUDUWAG AKO ANG TANGA KO DAHIL SA KADUWAGAN KO EH NATATAKOT NARIN AKO.




Noong mahiga na si Kathryn ay agad na siyang nakatulog... lumapit ako sa kanya, hinaplos ko ang kanyang mga buhok pati narin ang kanyang mga mukha.



"Bakit ba napakaganda mo? bakit ba naaakit ako sa'yo? bakit ba ganyan ka?" sunod sunod kong tanong kay Kathryn habang tulog siya...



"KATHRYN I'm falling..."



--


9:00 AM



Bumangon ako at tumingin sa paligid ko.... wala si Kath.



"WHERE THE F*CK IS SHE?" Sigaw ko dahil wala siya sa tabi ko... hindi ako sanay.. gusto ko na paggising ko siya agad ang makikita ko.

He's the worst, and I'm the BESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon