Chapter 12

8 1 0
                                    

Chap 12

~Cyril's POV~

Gabing gabi na. Andito pa din ako sa Park.

"NAKAKAINIS KA!! HINANAP KITA MATAGAL NA TAPOS WALA NA! KUNG KELAN NANDITO NA KO!! WALA NA! HINDI KO NA ALAM! NAKAKAINIS! HUHUHU! NAKAKAINIS KA!"

Kilala ko yung boses na yun. Lumapit ako sa dalawang babae na nakatalikod sakin.

"Dara!? Bakit ka umiiyak?" si Dara nga. Namumula na yung mata niya.

"Ah. Cyril. May problema kasi siya." sabi naman ni Sam. Halata ngang meron.

"Sige ako na muna bahala kay Dara"

"Sige. Bye bes. Uwi na ko ha. Si Cy na bahala sayo." niyakap muna niya si Dara at umalis na siya.

Niyakap ko naman si Dara at hinaplos ko ang buhok nya.

"Shh. Dara. Stop crying, I'm always here, Tell me everything. Im ready to hear it all" tumingin ako sakanya.

Mas lalong lumakas yung hikbi niya.

"Cy *sob* di ko na maintindihan sarili ko *sob* pakiramdam ko ang *sob* tanga tanga ko. Ang bobo ko! Cy *huk* Ewan ko na."

Di ko siya maintindihan. Umupo kami sa Bench at dun ko siya kinausap. Sinabi niya lahat lahat.

Tungkol sa pagkakakilala nila ni Gian mung 9 yrs old palang sila.

Sinabi niya sakin lahat. Mahirap ang sitwasyon nya ngayon. Sobrang hirap.

~Dara's POV~

Andito pa din kami ni Cyril sa Park. 10pm na at patang ayoko ng umuwi pa.

"Tama na Dara. Wag ka ng umiyak. Ang panget mo na!" Nangasar pa tong si Cy.

Di ako umimik at niyakap niya ulit ako. Di ko mapigilan umiyak pa din :'(

Pakiramdam ko pag niyayakap niya ko okay lang umiyak ng umiyak.

Ang hirap lang kasi na napunta sa iba yung matagal mo ng hinanap. Matagal mo ng iniisip.

Tapos ng nagkita kayo ulit, parang wala na. Wala na, at nauwi sa wala ang pagod ko sa paghahanap.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala na kong maiyak dahil pagod na ko. T-T

"Cy. Pwede bang duon muna ako sa bahay nyo for 3 days?" kelangan ko ng time. Magpahinga at mag isip ng mabuti.

"Okay lang sakin pero okay lang ba sa pinsan mo?"

Tumango ako "papakuha ko nalang damit ko kay Sam bukas"

"Osige. Tara na. Uwi na tayo" tatayo na sana ako pero pinigilan nya ko.

"Piggy back-ride" sabay ngiti sakin ni Cy.

"uhhh. Okay" tapos sumampa na ko sa likod nya.

At naglakad na siya. Kinekwentohan pa niya ko. Pero di ko maiwasan mapangiti. Maya maya nakaramdam ako ng antok. Pinipigilan ko, at naririnig ko pa ang sinasabi ni Cy.

"Dara. Tulog ka na ba?"

yun lang ang narinig ko at bumagsak na ang ulo ko sa braso niya.

Take Me To Your Heart (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon