Chapter 15 >____<

4 0 0
                                    

Chap 15

~3rd person's POV~

Tumingin si Sam sa mga kasama nya sa loob ng kwarto ng hospital kung nasan nakaConfine si Dara.

Naiinis sya sa pinsan neto na si Yuni na walang pakealam kay Dara dahil nakuha pang makinig ng kanta.

Tumingin sya kay Cyril, nakayuko pa rin si Cyril habang hawak ang isang kamay ni Dara.

Si Cyril namN habang nakayuko iniisip nya na may hika pala si Dara ng di manlang nya nalaman. At kung kelan pa nagkaganito ngayon nya lang talaga nalaman.

Minulat na ni Dara ang mga mata nya pero malabo pa ang paningin nya. Napatingin sya sa gilid nya at dun nakita nya si Cyril.

"Cy--- Ouch." napahawak sya sa ulo nya dahil nakaramdam sya ng kirot.

Timingin naman agad sakanya si Cy at lumapit naman si Sam sa tabi ni Cy.

"Ako na maguupo sayo" inaalalayan naman ni Cy si Dara na umupo.

"Sorry Cy. Nagalala ata kayo sakin. Okay lang ako." sabi ni Dara na medyo paos pa ang boses

"walang problema Bes, atleast ok ka na ngayon" sabi naman ni Sam na napangiti na nakatingin kay Dara.

Inabutan ni Cy si Dara ng Orange Juice.

"Salamat Cyril" binuksan ni Cyril ang bote at inabot kay Dara.

Di naman nya napansin si Yuni at Gian na nakaupo sa bandang gilid.

15(2) continuation

Humiga lang ulit si Dara.

Si Cyril naman lumapit sa dalawang akala mo walang pakealam kay Dara.

Habang si Sam, nakaupo sa tabi ni Dara.

At hinahaplos ang buhok ni Dara.

"Okay na sya. Kung gusto nyo ng umuwi pwede na. Kami nalang ni Sam ang bahala kay Dara."

pagpapaliwanag ni Cyril sa dalawa.

"Okay. Tara na babe? Alis na tayo. Punta tayo ng mall ^-^" tuwang tuwa na sabi ni Yuni kay Gian.

Walang reaksyon si Gian at nagpaalam na sa dalawa pa nitong kasama.

"Pwede ka ng lumabas Dara kapag nagising ka na yun ang sabi ng doktor" Sabi ni Sam kay Dara at nakangiti sya dito.

"Nga pala bes, sabihin mo sakin ang nangyare kanina ha. Gusto ko malaman galing sayo." sabi ulit ni Sam kay Dara

"Sige. Tara na. Umuwi na tayo"

Maya-maya nagayos na sila at umuwi na sila sa bahay ni Cyril. Habang si Cyril naman ay bibili daw ng gamot para kay Dara

Nagusap naman ang mag bestfriend sa kwarto ni Dara.

"Bes sabihin mo na sakin.." sabi ni Sam.

"May nalaman kasi ako eh.."

At umiyak na naman si Dara.

-- -- -- -- -- -- --

Thanks po sa mga nag babasa ^^

Ituloy nyo lang po. Hehehe. Matagal tagal pa to :)

Take Me To Your Heart (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon