Chapter 13 :)

5 0 0
                                    

Chap 13

*kinabukasan*

~Cyril's POV~

Pumunta ko sa guess room dun ko kasi pinatulog si Dara. Ibang klase eh, natulog sa balikat ko habang buhat buhat ko sa likod ^-^

Nilapitan ko siya sa higaan niya at hinawi ko ang buhok na nasa pisngi niya.

Mukha pa lang niya mabait na, malayong malayo talaga sya kay Eunice. Iba talaga ang pagkakakilala ko kay Dara.

Ang bait ng mukha, pati ugali niya. Kaya di hamak na madali ka lang mag kagusto sakanya >~<

Simula pa lang, gusto ko na talaga siya :') Alam kong kaya ko gawin lahat para sakanya. At ngayon nahihirapan sya sa mga nangyayare, kaya nandito lang ako para sakanya. Kahit na iwan sya ng lahat andito lang ako para sakanya. :")

Ang bading ko! Haay!

*tok tok tok*

Si Samantha na ata yan. Pinahatid ko kasi yung ibang damit ni Dara dito sa bahay.

Bumaba na ko at binuksan ang pinto.

"Cyril, eto na gamit nya oh. Okay na ba sya? Nakatulog ba ng mahimbing?" Hehe, kulit din neto ni Sam kahit kelan.

"Oo, nakatulog sya kagabi pag uwi namin. Nandun sya sa taas puntahan mo at ihhatid ko na din gamit nya"

kinuha ko ang maleta at nauna na sa taas si Sam.

Pag akyat ko ng gamit nya nakita kong inaayos ni Sam ang kumot ni Dara at kiniss pa nya sa pisngi.

"Tara na Cy sa baba may dala pala kong Pizza at para kay Dara ay Ice cream" at bumaba na sya.

Pagbaba ko nag usap lang kami habang kumakain ng pizza.

"Ikaw muna magalaga kay Dara. Alam kong nahihirapan pa sya ngayon Cy." malungkot na sabi ni Sam

"ako ng bahala."

"kaya natin to, tayo lang dalawa ang nandito para sak--"

"Uhm guys.. Good morning" napatingin kami sa nag salita.

Si Dara pala. Mabuti naman at gising na sya.

"Bes" tumayo si sam at niyakap si dara "upo ka bes. Kain na tayo dinala ko na gamit mo dito"

"Salamat Bes."

umupo sa tabi ni sam si dara.

Tinignan ko lang sya nakangiti sya pero pagtitignan mo mata niya puro lungkot lang ang makikita mo.

"May ice cream akong dala Bes." kinuha ni sam yung ice cream sa fridge

"Waah! Bes! Salamat" inabot ko yung kutsara sakanya at kumain na sya.

Ice cream lang pala makakapagpasaya sa araw nya.

"Ilang araw ka dito Bes?" -Sam

"Mga 3 days lang Bes." kumakain pa din si Dara

Kumagat lang ako sa pizza at tumingin lang sa dalawang naguusap

"lang? Ano ka ba! Ang bilis naman nun eh pang 2 weeks ang dala kong gamit mo" -sam

"dito ka na lang for 2 weeks Dara. Okay lang naman yun" Hihi, okay lang naman talaga sakin eh. Basta sya! :D

"Talaga Cy? Ano bes okay lang ba?" -sam

"Ah eh... Sige na nga" nahihiya pa si Dara. Close naman kami hihi xD

Natapos kaming kumain at umuwi n si sam sakanila. Pupunta na lang daw sya dito mamaya. Nasa kwarto lang si Dara, pinuntahan ko sya binksan ko ang pinto pero nagulat ako sa nakita ko... Oh no.

"Dara!!"

++++++++++++++

Author's Note:

Sorry sa Typo. sa cp lang ako eh. xD Salamat sa mga nag babasa :)

Take Me To Your Heart (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon