Mismatched 1

2K 30 0
                                    

"Here." Inabot ni Kiefer sa babae ang tissue.

Mula nang dumatihng ito sa office niya'y hindi na ito tumigil sa pag-iyak. "Ginawa ko lahat para sa kanya. Pinagsilbihan ko siya. Tapos iyon ang igaganti niya sa 'kin?! Napaka-walanghiya talaga!" sabay blow ng sipon nito sa tissue.

"Hindi niyo ba nalaman nung magpakasal kayo na...bading siya?"

"Napakamacho ng asawa ko, hindi siya mukhang bading!"

"Marami naman hong machong bading." Katwiran ni Kiefer.

"Anong gagawin ko? Mahal na mahal ko siya pero hindi ko na kayang makisama sa kanya."

"Eh siya po ba, gusto pang makisama sa inyo?"

"A-Ano?"

"Kung pareho niyo nang hindi matiim na magsama, wala na rin pong dahilan para pilitin niyo pa ang isa't isa. Nandidiri ka na sa kanya. Iba ang hinahanap niya. At sa kalagayan niyong iyan wala na kayong magagawa para maayos ang pagsasama niyo."

"A-anong gusto mong sabihin?"

"Ang solusyon ho diyan, maghiwalay na lang kayo."

"Huwag na huwag kayong maghihiwalay!" sambit ni Alyssa sa dalawang taong kausap niya. "Hindi biro ang pinagdaan niyo para mahanap ang isa't isa kaya kahit anong mangyari, ipaglaban niyo ang relasyon niyo at huwag kayong maghihiwalay."

Nagpalitan ang dalawa at binigyan ng ngiti ang isa't isa. Naghakawan sila ng kamay at muling humarap kay Alyssa.

"Matagal ko nang hinihintay na makilala ko ang soulmate ko, at ngayong nakita ko na siya, I will never let her go." Sambit ng lalaki.

"Salamat, miss Alyssa. Dahil sa iyo, nakilala namin ang isa't isa." Sambit naman ng babae.

Napangiti sa kanila si Alyssa at kilig na kilig ito. "I am so happy for both of you. Remember, people who are destined to be together must not let go of each other. Balitaan niyo ko ah! Humayo kayo at magpakarami!"

Nagtawanan sila't saka na umalis ang dalawang taong pinag-match ni Alyssa through blind date. Hindi pa nagtatagal nang umalis ang mga ito'y may isang babaeng kumatok at pumasok sa office ni Alyssa.

"Hi." Tipid nitong bati.

"Hello! Have a seat!" tahimik na umupo ang babae sa may harapan ni Alyssa. "So, what can I do for you, ma'am?"

"Alyssa?" tumango si Alyssa. "So, sa iyo lumapit iyong mga kaibigan ko nung naghahanap sila ng boyfriend?"

"Yes, malamang sa 'kin nga. You are?"

"I'm Trinca. Uhm, gusto ko sana na....uhm, magpatulong din sa iyo."

"Na maghanap ng boyfriend?" tumango si Trinca. Napangiti si Alyssa dahil ang tingin niya sa babae'y napakamahiyain at conservative nito. "Sure! I would be glad to help you, Ms. Trinca. So, anong tipo ba ang gusto mo?"

"Ang totoo niyan, may...nagugustuhan na 'ko. Hindi ko lang alam kung...uhm, paano ko siya...paano kami...ahh, alam mo na."

Tumango-tango si Alyssa. "Yeah, I get it. So, you want my help para i-approach iyong guy?"

"Yes. And...make him...fall in love with me."

"Ohh." Mahinang natawa si Alyssa. "You know what? This is actually the first time na maka-encounter ako ng tulad mo. Usually kasi iyong mga lumalapit sa 'kin naghahanap pa lang. ikaw naman, meron na pero, you don't know how to...get him."

"I'm sorry. Tama ba iyong napuntahan ko? I mean, kung hindi ka-"

"No, no. I will help you."

"Really?"

MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon