Mismatched 5

1.1K 34 8
                                    

"Hey!" napakunot-noo si Alyssa nang may medyo yumugyog sa kanya. "Hey, wake up! Babe!"

Dumilat siya't nakita niyang nakaupo sa may tabi niya si Kiefer. "What?"

"Baka gusto mo nang umuwi."

"Huh?" At saka lang na na-realize ni Alyssa na nasa apartment pa pala siya ni Kiefer at nakatulog siya sa may couch. Bumangon siya saka tumayo si Kiefer at nagtungo sa kitchen. Inayos niya ang buhok niya't tinignan ang oras sa suot niyang wristwatch. "11 pm?!"

"Tumawag si Alfred kanina sa 'kin, sa gitna ng date ko." Sambit ni Kiefer habang pinupunasan nito ang bar sa kitchen niya. "You weren't answering your phone. Alam mo bang apat na oras ka nang natutulog diyan?"

"Kakauwi mo lang ba? Bakit hindi mo 'ko agad ginising?"

"Nakakahiya naman sa paghilik mo." Sagot ni Kiefer. Kinuha ni Alyssa ang fone niya't nakitang drained na ang battery nito. Tumayo siya't nilapitan si Kiefer.

"So, how's the date?" Kiefer just glanced at her and smiled. Natawa si Alyssa sa nakita niyang reaction ni Kiefer. "What's with the smile?"

"It's alright."

"Alright as in?" tumigil sa paglilinis si Kiefer at nakangiti siyang tumingin kay Alyssa. At tila alam na ni Alyssa ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon. "Oh my God. Tama ba iyong iniisip ko?"

"Alam mo, umuwi ka na. bumili ka na lang ng pagkain sa labas, hindi na 'ko nagluto."

"Teka, magkukuwento ka pa sa 'kin."

"Bukas na." saka siya hinawakan ni Kiefer at hinatid sa may pintuan. "Ingat sa pagda-drive ah."

"Wait a second, what happened? Nakakaamoy akong ng positive vibes and...kilig vibes?"

Kiefer    

"You like her?!"

Napabuntong-hininga si Kiefer. "Let's just say...we're going to see each other again."

"Whoa...oh my gosh!" at tumawa si Alyssa. "Is this real?! Babe! so you and Mika have dcided to...like, what, start going out? Seriously?!"

"Ang oa mo, babe. it's not exactly like that-"

"It is exactly like that! Puwede ba Kiefer, huwag mo nang itago sa 'kin. Finally. Naging bukas na rin iyong puso mo sa mga babae and now you'll be dating a stranger! And I am so great!"

"What? Bakit nasama ka?"

"Ako kaya ang pumilit sa iyo na makipag-date kay Mika. And ako rin ang dahilan kung bakit kayo nagkikalala. See? I'm cupid remember?"

"Umuwi ka na."

"Sabihin mo muna sa 'kin na nagustuhan mo siya." Nakangiting hamon ni Alyssa. Napailing si Kiefer at saka rin ito napangiti. "It's a miracle. What's she like? What made you change your mind? And your heart?"

"Ang baduy mo talaga-"

"Babe!"

"Fine! Yeah, I like her. She's nice, smart, straightforward, and she's not complicated. Ewan ko. Nag-usap lang kami and the next thing I knew was wala na kaming ibang ginawa kundi mag-usap. And it's like...I don't know, we clicked."

"Oh my gosh!" at masayang niyakap ni Alyssa si Kiefer. "Babe, binata ka na!"

"Sira ka talaga. Umuwi ka na, okay? Medyo pagod na rin ako eh."

"Okay. Pero hindi mo 'ko maiiwasan bukas and you're going to tell me everything! Bye, babe!"

"Ingat, babe."

MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon