Mismatched 2

964 27 0
                                    

"Ano ba kasi iyan?"

"Sandali na lang. Two more steps." Inaalalayan ni Alfred si Alyssa sa pagpasok nito sa pad niya. "Okay, stop." Napangiti si Alyssa habang nakapiring pa rin ang mga mata.

"Puwede na?"

"Yup!"

Pag-alis ni Alyssa sa panyong nakatakip s amga mata niya'y napaawang siya ng bibig sa nakita. Puno ng mga orange balloons ang buond pad ni Alfred at may apat na bubble-maker pa sa apat na sulok niyon kaya't puno rin ng mga lumilipad na bubbles ang lugar. At may isang cake na nasa gitna at may mataas na kandila.

"Happy second year anniversary!" smabit ni Alfred sabay yakap kay Alyssa.

"You did all these?" tanong ng dalaga.

"Yeah!" natawa si Alyssa at niyakap ang nobyo.

"Happy two years, hon."

Umupo sila sa may sahig sa gitna ng pad at kumuha ng wine si Alfred at magkasama nilang pinagsaluhan ang cake.

"So, hindi ka talaga nagluto?" tanong ni Alfred.

"You know I don't cook. Kaya niyaya na lang kita kumain sa labas kanina diba?"

"Hindi rin ako marunong magluto, pa'no kung mag-asawa na tayo? Dapat at least isa sa atin marunong."

Tumawa si Alfred. "And that should be you."

Alyssa sighed and shook her head. "You better get a large kitchen then."

"So, you're coming with me to Paris?" biglang naging seryoso ang mukha ni Alyssa.

"Iyan na naman?"

"Why? It's our dream remember? You want to live in Paris."

"Yes, pero hindi pa ngayon." Napatitig si Alfred sa kanya. "I can't leave my job. Masaya pa 'ko sa ginagawa ko and isa pa I need to be mentally and physically prepared bago ako sumama sa iyo sa Paris."

"You don't really need to work, hon."

"I know but I want to. And you're supposed to be supportive, right? Bakit ba ayaw na ayaw mo iyong trabaho ko? What's wrong with helping people find their soulmate?"

"I'm not the only one who doesn't like your job, even Kiefer, your bestfriend."

Sumimangot si Alyssa. "Eh wala namang gusto iyon ni katiting sa mga ginagawa ko eh. He never liked me but you, you're my boyfriend at ikaw dapat ang unang sumusuporta sa 'kin."

"You know I will be here to support you. But don't you think it's finally time for us to...settle everything and, go on to the next level of our relationship?"

"Wait a sec, are you going to propose to me as in, now?!"

"What?"

"Fred! Ayoko pa, you know that."

Natawa si Alfred at diretsong tumingin kay Alyssa. "Do you have any idea how much I love you?"

Ngumiti si Alyssa. "And I know you have no idea how much I love you." Saka biglang nag-ring ang cellphone ni Alyssa at lumitaw ang pangalan ni Kiefer. "Panira talaga ng moment ang taong 'to."

"Who's that? Kief?"

"Hello, babe!" sagot ni Alyssa. Napailing na lang si Alfred habang nakangiti niyang binuksan ang TV at nanood ng football game. "Wait, wait, wait! What?! Umayos ka ngang magsalita-...teka nga muna, naglalasing ka ba?!"

Napatingin si Alfred kay Alyssa. "Where are you?!.... buwisit ka naman eh, ba't ngayon mo pa naisipang uminom?! Nakakainis ka talaga! Anniversary kaya namin ni Alfred ngayon-..hello? hello! Babe!" at asar na ibinaba ni Alyssa ang fone niya.

MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon