Mismatched 3

795 27 0
                                    

"Ah, teka, teka, sir." Sambit ni Kiefer sabay hakbang palayo sa lalaki. "Iyong kaibigan ko iyong matchmaker, hindi ako. Lumabas lang siya sandal-"

"Kapag hindi ako nagdala ng ka-date sa party ng lolo ko mamayang gabi at wala akong naipakilalang girlfriend, malilintikan ako."

"Ano? Anong ibig mo... you mean, kailangan mo ng fake girlfriend?"

"Hindi naman sa ganun, symepre gusto ko ng totoong girlfriend pero kahit ka-date lang, kakausapin ko na lang siya na magkunwari."

"Sir, I'm so sorry, hindi ko kayo matutulungan-"

"Parang awa mo na! Ipapatapon ako ng lolo ko sa Africa kapag wala akong dinalang babae. Please, I'm begging you, magbabayad ako kahit magkano-"

"Pero sir, hindi ko trabaho-" napatigil si Kiefer nang lumuhod pa sa harap niya ang lalaki na sa tingin niya'y matanda lang ng kaunti sa kanya. "Sir, tumayo nga kayo diyan. Ano bang-" napalingon siya anng tumunog ang compuer ni Alyssa na nasa table.

Nang tignan niya iyo'y isang e-mail ang dumating at nang buksan niya'y isang profile ng isang single na babae na naghahanap ng ka-date sa gabing iyon ang nakita niya. Napakunot-noo siya't saka napatingin sa lalaking desperadong humihingi ng tulong sa kanya. Muli siyang tumingin sa computer at minasdan ang mukha ng babaeng nag-email. Nakasalamin din ito at naka-brace pa at sakto pa ang edad.

Binasa din niya ang purpose nito. "I want to meet a guy whom I can introduce to my parents tonight. I badly need a boyfriend."

Lumipat ulit ang tingin niya sa lalaking kliyente ni Alyssa. "Sir?"

"Yes?" humarap ito sa kanya.

"Uhm. I'm not a matchmaker, but...I think...I just found your match."

--

"How come na hindi kayo nagkagustuhan ni Kiefer?"

Napatingin si Alyssa sa bestfriend ni Alfred na si South. "Bakit naman kami magkakagustuhan?" isinama siya ni Alfred sa paiting exhibit nito.

"Why not?"

"May Alfred na 'ko." Nakangiting sabi ni Alyssa. Sa mga oars na iyo'y nagtungo ng CR ang nobyo niya kaya't naiwan siya kay South.

"No, before mo pa makilala si Alfred. Matagal na kayong magkaibigan ni Kiefer diba? We went to the same school nung College at lagi ko kayong nakikita nun."

"Kiefer and I can't be lovers." Sabay iling ni Alyssa. "We can't even stand the fact na puwedeng maging kami."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni South.

"Hindi kami magtatagal ng isang araw, South, maniwala ka. He hates everything I love and I hate everything he loves. Sobra kaming baligtad nun, babaligtad ang pag-ikot ng mga planeta kapag naging kami nun."

"Opposite attracts." Katwiran pa ni South.

"In eveyr rule there's always an exception and it that case, kami ni Kiefer iyon. We can't go beyond the line, masisira namin ang buhay ng isa't isa. A girl who's the number one believer of love can't be with a guy who doesn't believe in love."

"Bagay pa naman kayo, in fairness. Pero, I'm so happy na naging kayo ni Fred, mas bagay kayo ng bestfriend ko."

"Type mo ba si Kiefer?"

"Huh? Well...he's not that bad." At napansin ni South makahulugang ngiti ni Alyssa. "Hey, I know that look."

"What?"

"Ayokong makipag-date sa lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig." At nagtawanan sila.

Pagbalik ni Alyssa sa office niya'y nadatnan niyang binabas ani Kiefer ang mga profiles ng mga kliyente niya na naka-save sa computer.

MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon