Mismatched 4

827 23 0
                                    

"Kief's going to kill me." Sambit ni Alyssa. "Or worse, he's gonna hate me for the rest of his life."

"Iyon pa, hindi ka naman natitiiis nun." Sambit ni Alfred na abala sa harap ng laptop niya.

"Iyon nga eh, natitiis kaya ako nun!" at nakasimangot na umupo si Alyssa. "Kasalanan ko bang matipuhan siya ng kalahati sa mga babaeng single na pumunta sa event? Hindi ko naman sila pinilit eh."

"Matagal mo nang gustong magka-girlfriend iyong bestfriend mo diba? And this is your chance. Ang haba ng pila, marami siyang pagpipilian. And once Kief realized he , miraculously, finally accepts the idea of having a girlfriend, pasasalamatan ka pa niya."

"Tingin mo, hon?"

"You can't be with your bestfriend forever, hon, sooner or later, kailangan niyo ding maghiwalay. At kailangan niya ng taong sasamahan siya habambuhay."

Tumango-tango si Alyssa at sang-ayon siya sa sinabi ng nobyo. Pero habang iniisip niya kung gaano iyon katotoo'y unti-unti siyang nakakaramdam ng kakaibang lungkot na hindi niya maunawaan.

Hindi malaman ni Kiefer kung paano siya napapayag ng mga babaeng iyon na makausap siya isa-isa sa opisina niya. Marahil ayumiral ang pagiging gentleman niya't hindi niya nagawang paalisin ang mga ito.

Hindi na siya nakatanggi sa bawat babaeng gusto siyang makilala. Hindi na siya nakaalis para kunin ang mga files sa bahay niya't hindi na rin siya tumanggap ng mga kliyente sa araw na iyon.

Sabay-sabay na pumasok ang mga babae sa office niya at tila mga reporters itong nagi-interview ng isang sikat na personalidad. Sunod-sunod ang mga ito kung magtanong at wala silang pakialam kahit may pagkasuplado ang pagsagot ni Kiefer sa mga tanong nila.

"Why do you hate dating?"

"I don't hate I, just don't do it." Sagot ni Kiefer.

"Do you have any idea how interesting you are?"

"Yes." Tipid nitong sagot.

"You seem like a boyfriend material, and very handsome. We can be perfect together." Diretsong sabi ng isang babae.

"I'm not a boyfriend material, trust me."

"Are you gay?"

"What?! I'm not." Natatawang sagot ni Kiefer.

Hindi malaman ni Kiefer kung gaano katagal siyang nakipagkulitan sa mga babaeng iyon at kung ilang tanong ang mga nasagot niya. The girls were really interested in him but they ended up leaving Kiefer's office frustrated. Walang natipuhan ang binata ni isa sa kanila.

"You're a witch." Sambit niya kay Alyssa nang tawagan siya nito.

"Babe, I'm so sorry!"

"Alam mo bang daig ko pa iyong nasa hot seat kanina? Halos buong buhay ko inungkat ng mga babaeng iyon at ang kukulit pa."

"May napili ka ba sa kanila?"

"What?! Hey, hey, did you plan that?"

"Ha?"

"Umamin ka nga sa 'kin Alyssa, pinalano mo talaga iyon 'no?"

"Hindi ah! Tinuro ko lang kung nasaan iyong office mo, dun lang ako guilty." Katwiranni Alyssa habang nagmamaneho patungo sa office ni Kiefer.

"Wala tuloy akong na-entertain na kliyente ngayong araw."

"Babe, sorry na kasi. Bakit ba-"

"I'll just tralk to you later." Pagbaba niya ng telepono'y bumukas ang pinto ng office niya't pumasok ang isa samga babaeng nakausap niya kanina. "Yes?"

MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon