Prologue

482 26 11
                                    

Tunay nga ba ang nararamdaman natin sa isang tao? O ito lamang ay isang pakikisama upang maiwasan natin sila masaktan? 

Sa isang pakikisama na walang kasiguraduhan.

Sa bawat tao na ating nakikilala at nakakasalamuha, hindi lahat tumatagal. Tayong lahat ay nakakaranas ng pagbabago. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili sila hanggang sa wakas ng ating mga kuwento. 

May iba't-ibang klase na pag-ibig : mapagsamantala, mapaglaro, pinagpapasa-pasahan at ang pag-ibig na hanggang dulo.

Isa lamang akong simpleng babae na naghahangad na makaramdam ng isang pag-iibigan na maganda at tunay na pagsasama. Ang pag-ibig na kahit ano man ang pagsubok na mararanasan ay mananatiling matatag para sa lahat.

Ang pag-ibig ay maihahalintulad sa isang sugal, may mananalo, mayroong natatalo, may iba rin na mandaraya at may iba rin na kapit sa patalim.

Tunay nga ba ang pag-ibig na walang hanggan? Kung ang bawat buhay ng isang indibiduwal ay may katapusan? 

Mahirap na ang maniwala sa tunay na pag-ibig kung ang ating pagmamahal ay iniwan na sira-sira ng taong akala natin ay lubos tayong maiintindihan. Ang tao na akala natin ay ang siyang mag-aalaga ng ating puso at pag-aaruga.

Sa aking paglalakbay tungo sa bagong yugto ng aking buhay, hindi makakaila na tayo'y napapagod sa araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong hindi natin alam ang tunay na pakay kung bakit nila tayo'y kinakausap at pinakikisamahan.



Minsan...



tayo'y napapaisip na lamang,



"Tunay ba ang pakikisama nila o may kailangan lang sila na makuha sa atin?"





Ako'y nasa isang cafe at kasalukuyang nakatingin sa interior ng lugar, lumilingon-lingon at patuloy pinagmamasdan ang mga tao na masayang nagkukulitan, mga gumagawa ng projects, mga patay gutom, at mga taong mahilig na maging tambay dahil lamang sa malamig ang lugar.

Napabuntong hininga na lamang ako at nakatulala sa natutunaw na yelo sa kape na in-order ko.

Masakit ang maloko, hindi dahil sa nang-iwan ang tao, kundi sa tiwala na binigay mo sakanya o sakanila na nauwi lang sa pagsasamang isang kasinungalingan.



"A broken person can never be mend nor heal by someone's word of wisdom, instead show them you're worth the shot to make them give a damn again."



Sadly speaking,





every one of us is too broken to fix one another,





and everyone lies.   



"Great day we're having, ang bagong magkasintahan, masayang nagsasama na parang walang sinaktan na tao sa buhay nila."



"Hey self! Don't give a damn to worthless scums anymore"









Liars.

I'm Obviously BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon