MHAMB
Chapter 5: Date
-Anjo’s POV-
Espesyal ang araw na ito, syempre first monthsary namen ng girlfriend ko. Gagawin ko itong memorable para sa kanya. Marami akong plano para sa araw na ito, sana maging successful.. neto kasing mga nakaraang araw yung dapat na date namen bilang magkasintahan ee may nangyayari na di inaasahan. Wag nyo na lamang alamin dahil super epic failed!
Paalis na ako para sunduin ang mahal ko. Sakto at Sunday ngayon, walang pasok at masosolo ko si Jhen. AHAHA! Magpapakaselfish muna ako, ngayong araw lang naman ee, dahil panigurado bukas busy na naman sya.
“Mommy! Alis na po ako.” Paalam ko sa nanay ko.
“Sige anak. Enjoy! Teka! Nak, parang bihis na bihis ka ata ngayon ahh..”
“ahh mommy nga pala di muna magduduty ngayon si Jhen sa shop huhh?? Gusto ko kasing masolo sya ngayong araw.”
“sus. Sige sige. Nakoo! Ang anak ko binata na. Sige na, alis na baka naghihintay na si manugang ko. Mukhang espesyal ang araw na ito para sa inyo.”
“thanks mom. *mwuah*”
“mag ingat huhh..”
“BYE MOMMY!”
**
Nandito na ako sa bahay nila Jhen, hinihintay ko na lamang sya.. siguradong di naman sya magtatagal kasi hindi naman sya nagmemake up, you know, napakasimple nya at dahil dun mas lalo syang gumaganda. Maaga kasi akong nagpunta sa kanila, gusto ko kasing isurprise sya. Magpapakaromantic ako ngayon. AHAHA!
“hijo, pasensya ka na at pinaghintay ka pa ni Jhen.” Si tita.
“it”s ok tita. Yung dalawang taon nga po nahintay ko ung ilang minuto pa po kaya.”
“naku! Ikaw talaga. Bilib na ako sayo.”
Alam na nila tita ang istorya namen ni Jhen, kung ilan taon akong naghintay at kung paano ako sinagot ni Jhen. Nung una di pumayag si tito sa relasyon namen pero di nagtagal pumayag din sya, kaya legal na legal na kame. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumaba si Jhen. Napatayo ako sa kinauupuan ko..
O.O
WOW!
Ngayon ko lang nakitang magdress si Jhen, mas lalo syang gumanda.
“Huyy!”
Ayy nakababa na pala sya.
^____^
“psh.. makangiti naman ang boyfriend ko.”
“a- - ahhh” di ko alam ang isasagot ko, sobra akong na amaze sa kagandahan nya..
“di ba bagay??-,-“
“No, you look so amazing today girlfriend ko. ^_______^”
“pshh. Bolero. Tara na nga.” Excited ang girlfriend ko ahh..
“I just stating the fact girlfriend ko.”
“I know boyfriend ko.”
“ambaho ng endearment nila pre.” Si Len.
“ou nga parang sa inyo lang pre. Toyo, baliw, engot, mahal ko amhh..anu pa ba?? Basta ambaho din. Tsk.” Si May.
“nandyan pala kayo??”
“ayy wala. Wala kame dito Anjo, hologram lang namen toh. High-tech kame ee..”
Nakoo! Kelan kaya titino si May?? Lagi na lang akong binabara, nakoo! Kung hindi lang toh bestfriend ng mahal ko.