Chapter 7: PDA (Public Display of Abnormality)

49 2 0
                                    

Chapter 7: PDA (Public Display of Abnormalities)

-Lhen’s POV-

“Good Morning class.” Di pa natatapos ang kwento ni Gin tungkol dun sa bagong Prof namen ay dumating na si Dean Castillo. Well, hindi naman ako interesado  sa ikwekwento nya kasi loyal ako sa mahal ko.

“Good Morning Sir.”

“Is everybody’s here?” tanong sa amin ni Dean Castillo.

“Well sir, hindi pa kame kumpleto as you can see wala pa yung mga paimportanteng tao dito sa classroom sir.” Sagot naman ni Gin. Wala pa sila Dominique dito sa classroom, di pa sila nakakabalik simula nun nagback out sila.

“Mr. Hermosa, watch your words.” Sita ni Dean kay Gin.

“Why, Sir? Did I say something bad? I’m just stating the fact.” Matapang na sagot ni Gin. Nakoo! Itong baklang toh wala talagang inuurungan kahit Dean kinakalaban. -_- Palibhasa, sikat na attorney ang tatay nya kaya walang kumakalaban sa kanya.

“Ang tapang ni bakla pre! Taray! Si Dean ang sinasagot. Tsaka bakit kelangan i-watch ni Gin yung words nya? Diba naririnig lang yun at hindi nakikita, so papano nya i-wawatch yun??” bulong ni Jhen sa akin habang palihim na kumakain ng fries. Hanggang ngayon ba naman di pa rin ubos yung fries? Tsaka, lumaganap na naman ang kat*ngahan netong babaeng ito.

“Shunga ka talaga pre! Tigilan mo ako sa kat*ngahan mo. Ang tataas ng grades mo simple English di mo maintindihan.” Asar na bulong ko sa kanya.

“Thanks to you pre, dahil sa iyo ang tataas ng grades ko. ;)” ayy baliw. Aminado talaga. -_-

“Alam mo pre, mukhang wala tayong klase ngayon. Narinig ko kasi yung mga prof kanina, parang may general meeting sila. Take note, biglaan daw yun. Tsaka dadarating din daw yung President ng University. Bongga! Mukhang maghapon pa. “ bulong ulit sa akin ni Jhen.

“Mag dilang anghel ka sana Jhen.” Bulong ko na naman sa kanya.

“Tiwala lang pre.” May pagkatamad talaga kame, wag na kayong magtaka natural na sa amin yan. At natural na rin sa amin ang magbulungan kahit may prof kame sa harapan, well hindi naman kami pansin kasi nasa likuran kame nakapwesto kaya okay lang. Medyo weird nga ee kasi kulang si May sa bulungan, busy kasi sa Pats nya. -_-

“Sige pre sabi mo ee.”  Nagbulungan lang kame ni Jhen, hindi na nga namen pinapansin si Dean ee. Wala naman sigurong importanteng sasabihin.

“The two girls at the back, can you share your chitchats with us?” O_O oh-uh. Mukhang nahuli  kame ni De--- Teka! Wow. Nag evolve si Dean?  Bakit parang bumata sya? Tsaka Wow talaga! Ang Poooooggggggggiiiiiii! Oh eemgee! What is the meaning of this?

“Hoy pre! Tawag ka ni Justine.” Bulong ni May sa akin na sya namang ikinagulat ko, kaya naman napatayo ako sa kinauupuan ko. Dahilan para pagtawanan ako ng buong klase. Hayop talaga tong si May! Nakoo! Si Jhen nagpipigil ng tawa! Kaibigan ko nga sila! >.<

“Miss?”

“Rodrigo, Sir.” Nakakahiya talaga!

“And you Miss?” tinutukoy nya si Jhen.

“Gano, Sir.” Parang wala lang sa kanya aa.

“The two of you, we’ll talk later after this.” Gwapo sana ang sungit naman!

“Pero Sir----“ hindi makatarungan toh!

“No buts Ms. Rodrigo! You may take your seats now.”

------

Argh. Badtrip! Nakakainis yung Prof na yun! Sya yung sinasabi ni Gin na fafable na bagong Prof namen! Napakasungit! Daig pa ang babaeng my buwanang dalaw!

My Husband and My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon