MHAMB
Chapter 5: Date (Continuation)
-Jhen’s POV-
-.-
-.^
-.-
^.^
-.-
O.O
Tama ba ‘tong nakikita ko??
ENCHANTED KINGDOM
Nakatulog pala ako sa byahe. Pinatulog kasi ako netong mokong na toh.. tanong kasi ako ng tanong kung saan kame pupunta ang isasagot nya lang basta, surprise ko yun sayo.. oh diba.. nakulitan ata saken kaya pinatulog ako. Dahil masunurin ako edi natulog ako.. AHAHA!
“gising na pala ang girlfriend ko. ^_^”
Nakoo naman! Kung ganyan palagi ang makikita ko, palaging kumpleto ang araw ko. AHAHA! Ang landi ko na talaga..
“hehe.. ano ginagawa naten dito??”
“para magsaya po.”
“magsaya?? Mukhang ikaw lang ang magsasaya dito ee.. -,-” talaga naman ee.. panu naman ako magsasaya dito ee nakadress ako panu ko masasakyan yung mga rides dito?? Sana sinabi nya agad para di sayang yung effort nun dalawa na pagandahin ako. Tsaka first time ko dito kaya gusto kong magsaya.
“dapat sinabi mo na dito tayo pupunta para hindi na ako nagdress -,-“
“kung sinabi ko sayo edi hindi na surprise yun..” at hinawakan nya ang kamay ko.
“gusto kong sakyan lahat ng rides -,- “
“masasakyan mo lahat ng rides, promise. Smile ka na girlfriend ko.”
“^_^” nagsmile ako ng pilit.
“pilit naman nyang ngiti mo ee.. ^,^”
“^_____^” hay nakoo! Pasalamat sya at ang gwapo nya.. ahahaha!
“yan, mas maganda ka pag nakangiti ka. Let’s go??”
Bumaba na sya ng sasakyan at nagmadaling umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto.
“wait, soutin mo muna toh.” Nilagyan nya ako ng blindfold.
“ee bakit may ganito pang effect”
“basta.” Yan naman sya sa basta nya.
Inalalayan nya akong maglakad. Di ko alam kung nakapasok na kame, basta patuloy lang kame sa paglakad, hanggang sa naramdam ko na lang na huminto kame at may nagbukas na pinto.
“Welcome sir, ma’am” bungad samen nung lalaki.
“naka ready na ba ang lahat??” tanong ni Anjo.
“yes sir.”
Nasan kaya kame?? Nakakainis naman kasi tong blindfold na toh.
“upo ka muna girlfriend ko.” At sa wakas nararamdan ko na tinatanggal na nya ang blindfold ko.
Nang matanggal nya na ang blindfold ko, di ko inaasahan ang nakikita ko..nandito kame ngayon sa isang restaurant ata di ko alam kasi nga diba first time ko dito.. napaka romantic nung place at nagsimula ng tumugtog ung nagvaviloin. Ang gandang tignan, ung mga petals ng rose nakakalat sa paligid tas may mga kandila pa. Ngayon ko lang nalaman na sweet ang pala ng boyfriend ko. KINIKILIG AKO! ^_^
“nagustuhan mo ba??”
Tumango na lamang ako. Di ko alam kung ano ang isasagot ko masyado akong kinikilig ee. AHAHA!