Another Epic Love Story! Wheee!

27 1 0
                                    

Noong malayo na ang principal, nagkagulo na naman ang buong klase.  Si Megan ay nanatiling nakaupo sa dulo, bagamat, niyaya siya ng mga kaklaseng makipagtsismisan, mas pinili niyang umupo sa isang tabi at manahimik na lang. Habang nagsascan ng mga lessons, nakita niya ang first rose na nakaipit sa isang pahina ng libro na bigay sa kanya ng kasintahan niya. Nakangiti niyang pinagmasdan ito at inilipat sa kabilang pahina, kung saan nandoon naman nakaipit ang mga love letters niya na mula din sa kasintahan niya. Maya-maya pa’y, parang trailer na naman ang nangyari. Inisa-isan na naman nya ang mga pangyayari at binalikan ang nakaraan.

          Pagkatapos nilang magtapos ng elementarya, nagkanya-kanya na silang lakad. Si Megan ay napadpad sa Orale National High School.  Kilalanin natin ang kanyang second love at ang classmate niyang bully. Si Lance ay isang sikat na varsity player ng basketball , classmate niya and one of the top 3 in the class. Kilalanin naman natin ang mitsa ng kanyang buhay na si Keifer. Isang varsity player sa basketball at kasali sa grupo ng mga dancers. Noong unang buwan, maayos naman ang pakikitungo niya sa mga bully, pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Actually, si Lance ang naging ugat, kung bakit nagkakadaleche ang buhay ni Megan. Heartthrob kasi sa campus etong si Lance. Halos lahat ng mga classmate niyang babae nagkakandarapa dito kay Lance na ito. Eh ano naging crush niya si Lance at niligawan naman din siya ng binata, tapos, yun, nagalit sa kanya ang halos lahat ng mga nagkakandarapa kay Lance. Lahat ng babaeng madadaanan nya sa hallway ay gagawa ng paraan para lang maging miserable ang buhay niya. Naranasan na rin niyang talisudin ng mga school mates nya. Buti na lang may mga iilan pang babae ang rumerespeto sa kanya. Sa kabila nang hirap na nararanasan niyang hirap, may kaibigan siyang naging katuwang niya sa lahat ng mga problema. Ngunit mas lalo pang lumala ang kanyang problema nang sumali pa sa problema niya si Keifer. Bagamat wala siyang kasalanan kay Keifer, pero paboritong laruan kasi niya at ng mga barkada niya si Megan. Natutuwa kasi si Keifer na nakikitang nagkakandaleche ang buhay ni Megan. Minsan nang nilagayan ni Keifer ang bag ni Megan ng butiki, kasi alam na alam din ni Keifer na may phobia etong si Megan sa butiki. Minsan dahil sa galit ni Megan kay Keifer, kinausap niya ang binata at inaway.

“Keifer, ano ba talaga ang problema mo? Ano ba kasalanan ko sa iyo na ginagawa mong miserable ang buhay ko?”

“Hahaha, Naannoyed lang talaga ako sa iyo?”

“Pwede ba huwag mo nang dagdagan ang problema ko! Ikaw talaga ang mitsa ng buhay ko!”

Him + Her = Spell L-O-V-E [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon