Lumabas si Keifer at nagkataong lumabas din si Megan. nakita ni Megan na nagpapaulan si Keifer sa labas. Pinuntahan niya ito sa gitna ng field at kinausap niya.
"Keifer! Bakit ka nagpapaulan?"
"Wala ah! Talagang mahilig lang ako sa ulan."
"Gusto mo ikuha kita ng payong, naku, lalagnati ka."
"Hindi na, okey lang ako din, nag-eenjoy naman ako."
"Ahh, sige, mauna na ako, may gagawin pa kasi ako."
Paalis na sana si Megan papunta sa classroom ng biglang, hinawakan ni Keifer ang kanyang kamay at pinigilan siyang umalis. Napaupo silang dalawa sa field habang umaambon.
"Pwede bang samahan mo muna ako dito kahit mga ilang minuto lang?"
"Ummm, sige, pero madali lang ha?"
"Sige ba."
"Alam mo bang ang ulan ang pinakapaborito kong kasama pag masaya o malungkot man ako."
"Ahhh, ganun ba. So, meaning, masaya ka pala ngayon, uyy! Congratulations huh?"
"Siguro masaya ako."
Ang hindi namamalayan ni Megan ay lumuluha na pala itong si Keifer. Hindi lang halata dahil umuulan. Ang ulan na akala ni Megan na tumutulo sa mata nya ay luha na pala.
"Keifer, kailangan ko ng umalis."
"Sige, salamat sa pagsama sa akin dito huh?
"Oo ba, no problem, basta kung may problema ka, dito lang ako."
"Sige. Salamat ulit."
Pagkaalis ni Megan, napaiyak nalang itong si Keifer at nagsalita sa sarili.
"Malungkot ako kasi sinayang ko ang mga oras na dapat sinusulit ko sa iyo noon. Malungkot din ako kasi may mahal ka ng iba, di ko alam kung may pag-asa pa ako sa iyo. Ikinalulungkot ko din na hindi mo alam na ako ang nagbibigay sa iyo ng mga notes na natatanggap mo pati na rin ang rosas na ibinigay ko sa iyo. Pero, kahit papaano, masaya na rin ako dahil nakikita kitang masaya, at kasiyahan mo, kasiyahan ko at nakasolo kita kahit sa napakaikling oras lamang."
BINABASA MO ANG
Him + Her = Spell L-O-V-E [Completed]
Teen FictionPaano kung ilang beses ka ng nagfail in love, will you take the risk to love again eventhough you know na pwede kang masaktan. Paano kung si Mr. Bully at si Ms. Sensitive ay nainlove sa isa't isa, ano kaya mangyayari? Maniniwala pa ba kaya sila sa H...