Upside Down

17 1 0
                                    

                    Isang araw ang makalipas, may isang pangyayari ang hindi nila inaasahan. Nalaman kasi ni Megan na may girlfriend na pala itong si Lance, at pangalawa lang siya. Ito naman ang bagay na labis na ikinagalit ni Megan sa binata. Nagsawa na kasi si Lance kay Megan sa pag-aantay, kaya naman, naghanap ito ng iba. Dahil sa sobrang sama ng loob, sumugod si Megan sa ulan papauwi. Sinabayan niya ang ulan ng kanyang pag-iyak. Kahit na nanginginig sa lamig, tumigil siya sa gitna ng malawak na field at doon umiyak. Ngunit labis siyang nabigla nang may isang taong nagpayong sa kanya at binalutan siya ng jacket. Hindi na niya masyadong makilala ang taong iyon dahil sa luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata sabayan na rin ng ulan. Kinusot nya ang kanyang mga mata, at nakita niya si Keifer na labis na nag-aalala sa kanya. Naupo si Keifer sa kanyang tabi, at inihiga naman ni Megan ang ulo nito sa balikat ni Keifer.

"Sabi sa iyo eh, ang ulan ang the best na kasama pag nalulungkot ka at masaya ka."

"Talagang FA na lang ako."

"FA?"

"Forever Alone."

"Siguro, Megan, talagang hindi siya ang taong para sa iyo. Maganda ka, mabait, matulungin, maalalahanin at masayahin kang tao, marami pa ang magkakandarapa sa iyo. Kung titingin ka sa paligid mo at makikiramdam ka, malalaman mong may isang tao ang mahal na mahal ka ng sobra."

"Keifer, gumising ka na sa katotohanan! Hindi fairytale ang buhay natin! And I don't believe that there is a happy ending at the end of this."

"Well, I do believe that everything can happen in this world, nothings impossible for me."

"It's easy for you to say, kasi hindi ikaw ang niloloko, hindi ikaw ang nasasaktan, hindi mo nararanasan ang nararanasan ko ngayon. Ngayon, tell me, paano ako magiging masaya, eh kung nakikita mo ang mahal mo ay may mahal na iba?"

"Megan, akala mo lang ikaw lang ang nakakaranas ng niyan. Ako rin, ilang beses ko din naranasan iyan."

"Pero, paano ka nagiging masaya?"

"Well, masaya naman ang mahal ko kasama ang iba, I guess, masaya na rin ako, kasi nakikita ko siyang masaya. Megan, kung talagang mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka sa kahit ano man desisiyon ang gagawin niya sa buhay niya."

"Naiintindihan na kita. Pero ang hindi ko maintindihan, is kung bakit binibigyan pa niya ako ng mga love notes at rosas, eh na may mahal na siyang iba."

"Megan, uhhh, ehhh... Sa akin galing ang mga iyon."

"What do you mean?"

"Can't you see? Megan, I love you. Kung papakiramdaman mo ang mga tao sa paligid mo, malalaman mong mahal kita Megan. Huwag ka sanang magalit sa akin kung inamin kong mahal kita. Nung day na nakita mo ako sa field nagpapaulan, lumuluha ako noon. Alam ko, dati binubully kita, pero I just wanted to say, I'm so sorry, really, I am."

"Ahhh, sige, mauuna na ako."

"Megan, style mo bulok. Aalis ka para iwasan mo ako."

"Keifer, anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa? Ang kailangan ko sa mga oras ngayon ay isang kaibigan."

"Megan, may pag-asa pa ba ako sa iyo?"

"Keifer, I don't know. I'm not yet ready. Dahil sa nangyari, i don't know if I can still take a risk to love again."

"Why, because you're afraid to be hurt again? Megan, natural lang na iyan sa pag-ibig, ang masaktan, walang perpektong pag-ibig. You will not succeed if you will not fail, same as love, you will not learn if you will not experience pain ang hurt."

"I need to go, well, I guess, see you tomorrow?"

"Yeah, see yeah!"

            Muling naudlot ang pagdedaydream ni Megan ng pumasok na ang kanilang guro sa susunod nilang subject. At dahil boring klase, hindi maiwasan ni Megan na magdoodle habang naglelecture ang titser. idinoodle niya ang pangalang "Keifer".

                Mag-aalas tres na ng idismiss sila ng kanilang guro. Nakatanggap ng tawag si Megan mula sa kanyang kasintahan.

"Beh, mamayang alas-sais, sa Shien's Beach Resort. Saan ka?"

"Dito pa ako beh sa Gepty University, kakadismiss lang sa amin, pauwi na ako para magready."

"Okay, guusto mo sunduin kita diyan?"

'Wag na, okay lang ako dito. Well, I'll see you later. Bye beh, love you."

"Bye, Love you too!"

Nagmamadaling umuwi si Megan sa bahay upang ihanda na ang sarili niya. Habang nagbibihis, hindi niya maiwasan na magdaydream ulit.

            Nung gabing iyon, hindi makatulog si Megan dahil sa sinabi ni Keifer. Lagi niyang iniisip ang mga sinabi ni Keifer. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. At sa huli napagdesisyonan nya rin na bigyan ng chance si Keifer. Naisip niya rin na bibihira na lang ang mga lalaking nagmamamahal ng totoo, kagaya ni Keifer.

            Kinabukasan, habang naglalakad sa hallway, nagkasalubong si Megan at Keifer sa daan st hindi nila maiwasan na magkatinginan.

“Hi Megan!”

“Hi.”

“May chance pa ba ako?”

“Sige, bibigyan kita ng chance.”

            Dahil sa narinig ni Keifer, pumunta ito sa lab at nagtatalon sa tuwa at nagsisigaw. Simula noon nilagawan ni Keifer si Megan.

            Nasa ika-apat na taon na sila, ng magkaroon ng isang JS Prom sa kanilang paaralan. Masyadong excited si Keifer dahil, ineexpect niya na magiging partner niya si Megan. Pero iyun ang inaakala niya. Iba ang ang naging partner ni Megan at iba rin ang naging partner niya. Ang dalawa ay parehong malungkot. Pero naiisip nila na baka pwede silang maging partner sa susunod.

            Noong gabi ng Prom, tahimik ang dalawa. Hindi sila nag-iimikan. Niyaya ng partner niya si Megan na sumayaw. Habang nasasayaw, selos na selos si Keifer sa partner ni Megan. Dumating sa punto na talagang hindi na makayanan ni Keifer ang sakit nararamdaman. Pumunta ito ito sa labas ng garden at umupo sa damuhan. Tahimik na umiyak si Keifer sa garden. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Nakakita siya ng mga alitaptap na talagang nagniningning, ngumiti siya nang kunti pero nagpatuloy pa rin ito sa pag-iyak.

“Alam ko na ang mga lalaki hindi umiiyak, pero bakit ako umiiyak ngayon? Napakasensitive ko talaga.”

            Tumigil sa pagluha itong si Keifer ng naramdaman niyang may kamay na humawak sa kanyang kamay. Tinignan niya kung kaninong kamay ang nakahawak sa kanya, kay Megan pala iyon. Sinundan siya ni Megan.

“Ang ganda ng mga alitaptap, di ba Keifer?”

“Bakit mo ako sinundan?”

“Kasi mahal kita.”

“Mahal mo rin ako?”

“Oo naman.”

“So meaning, sinasagot mo na ako?”

“Hmmmm… Let me think. Sige na nga.”

“Yes!”

            Napangiti si Keifer ng sobra, at niyakap niya si Megan. Pagkatapos ay naupo sila sa damuhan sa may garden upang panoorin ang mga alitaptap na kumikislap-kislap habang magkahawak ang kamay.

Him + Her = Spell L-O-V-E [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon