Uyyyy! Guilty siya? Seh...

21 2 0
                                    

Pagkarinig ni Keifer sa sinabi ng dalaga, tinawanan lang niya ito at sinabing baliw ito dahil sa mga pinagsasabi na kung ano-ano, pero deep inside awang-awa na siya sa dalaga at pinagsisisihang mambully sa dalaga. Mas lalo siyang naawa ng nakita niya ang dalagang lumuha at kaawa-awa umalis sa harapan niya. Upang makabawi pinuntahan niya ang dalaga.  At nakita niya ito sa isang kanto sa labas ng campus umiiyak. Sinubukan niyang lapitan si Megan ngunit kasama niyang ang kanyang kaibigan.

“Megan, I’m sorry.” Sambit ni Keifer.

“Nandito ka ba para paiyakin pa ang kaibigan ko? Di ka pa ba nasiyahan sa ginawa mong pang-iinsulto. At siguro gusto mo pang dagdagan para lalong magdusa ang kaibigan ko. Hindi k aba nahihiya sa sarili mo huh? Sa bagay, kapal nga naman mukha mo eh!”

“Pero…”

“Wala ka ng dapat ipaliwanag! Umalis ka na!”

          Gustuhin mang humingi ng tawad ni Keifer kay Megan, pero wala na siyang mukahang maiihaharap kay Megan. Bilang tanda ng pagsisisi ni Keifer, nangako siya kay Megan na sa susunod na taon ay lilipat na siya ng paaralan. Dahil sa sinabi ni Keifer kay Megan, magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Megan. Masaya siya dahil sa wakas, mawawala na ang leche sa buhay nya, pero may kunsensya ding nadarama.

            Nung tumungtong na si Megan sa ikalawang taon, hindi niya inaasahan na tutuparin nga ni Keifer ang kanyang pangako sa dalaga. Ngunit kahit na wala nang nangbubully sa  kanya, hindi pa rin niya maiwasang multuhin ng mga ala-ala ni Keifer, para bang gayuma. Ngunit dahil sa tulong ni Lance, nakalimutan na niya ng tuluyan si Keifer. Naging masaya si Megan kasama si Lance. Bagamat ay hindi pa sinasagot ni Megan si Lance, ngunit nagtiyatiyaga si Lance na mag-antay para kay Megan, at si Megan ay unti-unti na rin umiibig sa binata. Ngunit habang tumatagal, may mga kakaiba na rin nangyayari sa binata na hindi maipaliwanag ni Megan. Tuwing pagkatapos kasi ng klase nila, madalas na dumederetso si Lance sa tagpuan nila ni Megan, ngunit ngayon, dumadaan muna siya sa likod ng paaralan. At madalas pa nga inaabot na si Megan ng hating gabi sa pag-aantay lang sa binata. Ngunit hindi na iniisip ni Megan ang mga ganoong bagay na siguradong pag-aawayan nila ni Lance, ayaw niya kasing masakal si Lance sa kanya, at narealize din niya na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ni Lance.

Him + Her = Spell L-O-V-E [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon