Entry Three

121 2 1
                                    

===~*~===

Entry Three

=========

Naramdaman ko na lang ang pader sa likod ko ng bigla na lang may humila sakin pag labas ko sa arrival area ng airport.

Hinalikan ako ni Ira sa pisngi pagkatapos niya akong yapusin. "Evan. You naughty boy. Akala mo ba hindi ko malalamang darating ka?"

Pinilit kong ngumiti habang dahan dahang nilalayo ang sarili ko sa medyo may pagka-psycho na ex girlfriend ko.

How the hell did she know the exact time I was arriving?

"It's an emergency." sagot niya dito ng tuluyan na siyang makaalis sa mga galamay ng kaharap. "I won't be here long, babalik din ako sa States."

Nag pout naman ang magandang model na halatang hindi natuwa sa sagot niya. "Kahit na hindi ka magtatagal dito.. dapat sinabi mo sakin." lumapit na naman si Ira sa kanya at yumapos sa bewang niya. "Let's have dinner." yaya nito.

Inalis na naman niya ang mga kamay nito. "Ira, I can't. I'm having dinner with my folks tonight."

Sumama ang itsura ng mukha nito habang nakapamewang. "Tomorrow then?"

Hinawakan niya ang luggage na dala at iniwas ang mata dito. "I'll call you. I really have to go."

Humalik ulit ito sa kanya bago siya tuluyang pinakawalan nito. Para pa ngang may sasabihin pa ito, pero mabilis siyang naglakad palayo dito.

Habang naglalakad naman siya ay dinial niya ang number ng kaibigang si Harris.

"Bro!" masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Damn Harris! Did you tell Ira I was going home?" iritang sagot naman niya dito. Tumahimik naman ang kaibigan niya na nagconfirm sa mga suspicion niya. "I told you to stop giving her details about me!"

Pumara siya ng taxi at sumakay na sa loob. "You know I can't lie to girls. Isa pa, she's scary bro." pag wa-whine ng kaibigan niya. Napabuntong hininga na lang siya dito.

"Just don't do it again, okay?" paalala niya dito habang nakatingin sa labas mg dinadaanan ng sinasakyan niya. "I'll swing by The Bar tomorrow. See you."

Pumikit muna siya. Unti unti na niyang nararamdaman ang jet lag sa mahabang biyahe. Pakiramdam niya ay ilang minuto pa lang ang nakakaraan ng tumigil na ang taxi sa tapat ng isang Mediterrenean inspired na bahay.

Binayaran na niya ang driver at bumaba dala ang maleta niya. Dapat siguro dumiretso na muna siya sa condo niya para naiwan niya muna sana ang dalang mga gamit, pero late na siya.

Nang malapit na siya sa pinto ay nakita niya agad ang isang batang babae nakapigtails na nakaupo sa may hagdanan.

"Evie!" sigaw nito ng mag-angat ito ng tingin at makita siya. "Mom! Evie's here!" masayang sigaw nito habang tumatakbo papunta sa kanya.

Niyapos naman agad niya ng mahigpit ang nakababatang kapatid. "Ang laki mo na, Effie. Dalaga ka na."

Ngumiti ito pero hindi pa rin bumitiw sa pagkakayapos nito sa kanya. "Oo naman, kuya. You haven't been home for almost two years." rinig niya ang pagtatampo sa boses ni Effie.

Ginulo naman niya ang buhok nito na lagi niyang ginagawa sa bunsong kapatid. Tinabig ni Effie ang kamay niya pero malapad na ulit ang ngiti sa mga labi nito.

"Buti naman naalala mo pang dumaan dito."

Tiningnan ni Evan ang ama na naghihiwa ng steak sa plato. Hindi ito nakatingin sa kanya, na lagi nitong ginagawa kapag siya ang kausap.

"I promised Mom." maikling sagot niya dito at nginitian naman siya ng ina na nakaupo sa tapat niya. "And besides I missed Effie."

"Why don't you just stay here?" alok ng Mama niya habang dinadagdagan ng brocolli ang pinggan niya.

Agad naman din niya itong inililipat sa plato ni Effie na nakasimangot sa kanya.

"You can sell your condo and stay here when you're in the country. I don't like the idea that you're staying alone there. Isa't kalahating taon ng walang nakatira don."

Nilunok muna niya ang piraso ng steak na nginunguya niya bago sumagot. "I already called house cleaning last week, Mom. Don't worry about it. You know I like having my own place."

Nagpout ang Mama niya. "You have your own place here. Your room has been the same for years."

Nginitian lang niya ito at hindi na sumagot. It was better for everyone na hindi na siya dito namamalagi.. better for his dad , at least.

"Where did you go this time, Evie? tanong sa kanya ng kapatid niya at kita niya ang curiosity sa mga mata nito tungkol sa trabaho niya. "How was it? Did you get a lot of pictures?"

"Mt. Everest." nakangiting sagot niya dito. "And it was.. life changing, to say the least."

Nakita naman niyang nagulat ang Mama niya. "Bakit hindi mo sinabi samin? Akala ko you were going to Grand Canyon this year. Hindi ba delikado yun? Wala bang nangyari sayong masama. I saw this movie one time about Mt. Everest and it was--"

"It was fine, Mom. Nothing big." putol na niya sa inang nagpapanic. "And besides, we just took shots at the lower parts of the mountain."

"You should've told me nevertheless.. you know I worry a lot about you." pagpapatuloy ng Mama niya at ngayon naman ay dinadagdagan nito ng kanin ang pinggan niya. "And not coming home for two years.. it almost drove me crazy, anak. You should atleast return herr after a few months."

Ibinagsak ng Papa niya ang basong hawak nito sa lamesa. "Bine-baby mo masyado ang anak mo, e ayan naman ang gusto niya." galit na sabi nito. "Kung ayaw niya dito, hayaan mo na siya. Hindi ba gusto niyang gumawa ng sarili niyang mgs desisyon. Hindi ka pa ba nadadala?"

Binitawan din niya ang hawak na kutsara at ngumiti sa kaharap. "Thanks dad. You're really the best father in the world. Thanks for supporting my decisions."

Sinamaan siya ng tingin ng ama. Bago ito padabog at galit na umalis sa hapag-kainan. Saglit silang natahimik sa lamesa. Ipinagpatuloy naman niya ang pagkain na parang wala lang.

Narinig naman niyang bumuntong hininga ang Mama niya. "Did you really need to fight?"

"I didn't start it." sagot niya sa ina habang nagdadagdag pa ng steak sa pinggan niya. Ngayong wala na ang ama niya ay nagkagana na ulit siyang kumain. "This is delicious, by the way."

Ngumiti na ang Mama niya. "Ubusin mo 'yan lahat." Loko nito sa kanya at tumawa naman si Effie.

==============

Tumingin sakin si Mina ng pumasok ako sa classroom. Pagkatapos ng ilang araw na pag-absent ay napilitan na kong pumasok dahil sa pagtawag ng school kay Tita.

Nagdahilan na lang akong masama talaga ang pakiramdam ko. Hindi naman nagduda sakin si Tita. Buti na lang at nasa ibang bansa sila, kung hindi ay siguradong napagalitan na ako nito.

Alam ko namang tumawag din si Charm ang tumawag kay Tita, at kahit alam kong nag-aalala lang sa sakin ang kaibigan ay hindi niya ko maiwasang magalit sa pangengeelam niya.

Bakit kailangan pa niyang sabihin kay Tita 'yon? Alam naman ni Charm na minsan na lang kami magusap ni Mama. Ayokong isipin nito na nagbubulakbol lang ako at sinasayang ang perang ipinapadala nila sakin ng asawa nito.

I'm OBSESSED with my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon