Entry One

183 2 0
                                    

===~*~===
Entry One
=========


''Tatayo ka ba diyan o gusto mong hilahin ko 'yang paa mo palabas?''

Nag-angat ako ng tingin kay Mina at medyo natakot ng makitang seryoso ang expression ng mukha nito.

Nang mag-angat ito ng isang kilay ay ibinagsak ko ulit ang ulo ko sa unan at bumulong. ''Ayokong pumasok.'' mahinang protesta ko dito.

''Tadyak, gusto mo?'' rinig ko ang pagkainis sa boses ni Charm na nasa kabilang side ng kama ko. ''Hinayaan na kitang magmukmok tungkol diyan sa ex mo ng ilang araw ha? Tigil-tigilan mo 'yan, Sienna!'' dagdag nito ng hindi pa rin ako gumalaw sa pagkakkahiga.

Ex? Hiwalay na ba talaga kami ni Paul?

Bakit?

Hindi pa naman kami nakakapag-usap, di ba?

Napabuntong hininga ako habang nagtetengang kawali sa mahabang litanya ni Charm at ang pagkontra dito ni Mina.

Hindi pa ulit kami nakakapagusap ni Paul simula nung malaman kong niloloko niya na pala ako. Hindi ko alam kung handa na kong makita si Paul kaya ginagawa ko lahat para hindi kami magkita.

Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya at tinataguan ko ito kapag magkakasalubong kami sa University o pag pinupuntahan ako ni Paul sa classroom.

Galit pa rin ako kay Paul. Hindi naman mawawala 'yon e. Pero ang mas nangingibabaw sa galit sakin ngayon ay takot.

Takot na mas piliin niya ang babaeng 'yon kesa sakin. Pano na lang ako kapag nagkaganon? Kaya ko bang wala si Paul?

''Sienna? Nakikinig ka ba, babae?'' inaalog-alog ni Charm ang balikat ko. Nakasampa na ito sa kama at hinihila ang kumot na nakabalot sakin.

''Pano niya nagawa sakin 'yon?'' bigla niya na lang nasabi.

Saglit na natahimik si Charm bago ito bumagsak ng upo sa kama at huminga ng malalim, pero walang lumabas na mga salita sa bibig nito, na bihira para sa kanya. Ngayon ko lang ata nakitang tahimik ang kababata ko.

Pumaling ako kay Mina at malungkot itong umiling-iling. ''Hindi ko alam, Siens. Hindi ko din alam.''

Pinilit kong takpan ang paghikbi ko sa pagbaon ng mukha ko sa unan. Naramdaman kong hinahawakan ni Charm at Mina ang likod ko bilang pagdamay.

''Gago 'yang si Paul.'' bulong ni Charm at nagsimula na naman akong umiyak ng umiyak.

Kagaya ng lagi kong ginagawa nitong mga nakaraang araw.






~*~*~*~*~

Bumuntong-hininga ako habang nakadungaw sa labas ng bintana ng classroom namin sa third floor ng building. Pinapanuod ko ang likod ni Paul habang paliit ito ng paliit, at palayo ng palayo.

Kahit na hindi ko na ito matanaw ay nanatili lang ang tingin ko sa direksiyon niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil hindi siya sumusuko sa pagsubok na kausapin ako, maiinis dahil ayaw niya kong tigilan, magagalit dahil niloko niya ko o malulungkot dahil naging ganito na lang ang relasyon namin ngayon.

''Umalis na siya, Siens. Tayo na?'' sambit ni Mina ng bumalik na ito sa classroom. Kasunod nito ang isang aburidong Charm.

''Grabe 'yang ex mo ha? Ang kulit ng lahi!'' inis na sabi nito habang sinusukbit ang bag niya sa balikat. ''Pinagtutulakan ko na, ayaw pa ring umalis!''

Nagpout si Mina dito. ''Oo nga eh, literal na literal yung pinagtutulakan mo. Masyado ka namang harsh. Kawawa naman 'yung tao.''

''Harsh?'' nag-usok ang ilong ni Charm. ''Ako pa ang harsh? Niloko niya si Sienna, Mina! May iba siyang babae! Bakit ka naaawa sa kanya?''

''Pero, hindi pa naman talaga natin napapatunayan na.. na..'' napatingin sakin si Mina at napatungo ito.

Noon pa man kasi ay pabor si Mina kay Paul at kabaliktaran naman si Charm, kaya din siguro hindi niya mapigilang ipagtanggol ito sakin. Alam kong gusto pa rin nitong magkaayos at magkabalikan kami.

''Huli na nga eh.'' pagalit na bulong ni Charm kay Mina bago ako hilahin nito palabas ng classroom, kasunod naman namin si Mina na tahimik na lang na dala dala ang bag ko.

Pasalamat na lang ako at may dalawa akong kaibigang maaasahan. Pano na lang kaya ako kung wala sila?

''Anong gusto niyong gawin ngayon? Manonood ba tayong sine, maggagala sa mall o tatambay sa McDo?'' tanong ni Mina ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Medyo nagpahuli ako ng lakad at binuksan ang message na nareceive ko.

''May maganda bang palabas ngayon?'' tanong naman ni Charm sa may unahan ko. Napatigil ako ng makita kung kanino galing ang message.. kay Paul.

Pano niya nakuha yung bago kong number.

*Let's talk Siens. Please. Just this once. Hear me out.* - Paul

Sabay napatigil sa paglalakad si Charm at Mina ng makitang nakatigil na ako.

''Siens, ano? San tayo pupunta?'' tanong ni Mina habang nagdududang nakatingin si Charm sa hawak kong cellphone na agad kong ibinalik sa bulsa ko.

Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti.

''Actually.. kelangan ko ng umuwi. Emergency guys.'' pagsisinungaling ko sa kanila.

==========

LN: wala pang kaganapan so far, but please leave your comments after the chapter.. :)

-- solarisLuna

(Join my Facebook Page: solarislunastories!) ü

I'm OBSESSED with my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon