Prologue

282 3 0
                                    


===~*~===

PROLOGUE
=========

''Ano, Siens? Sasama ka ba sa Mall? Gala tayo, maaga naman nagpaawas si Prof.'' nakangiting yaya sakin ni Mina pagkasara ko ng pinto ng locker.

Napakagat na lang ako sa labi at napailing ng dahan dahan. Kita ko naman ang pagkadismaya sa magandang mukha nito.

Popular si Mina hindi lang sa department nila kundi pati na din sa buong campus. Noong 1st year college pa lang sila ay napili na itong magrepresent ng Department nila sa beauty contest para sa buong campus. Ang pinakapaborito kong feature ng magandang mukha ni Mina na kinaiinggitan din ng marami, ay ang deep set na mga mata nito na napapaligiran ng mahahabang pilikmata. Namana pa nito sa half-Indian na ama ang matangos na ilong nito.

''May date na naman kayo ni Paul?'' parang naaaburidong tanong nito sakin.

Gusto ko sanang tumawa dahil sa itsura ng mukha nito pero pinigil ko ang sarili ko.

''Kelan ba nawalan?'' dagdag naman ng isa ko pang best friend na si Charm na kakadating lang sa harap namin at nakapamewang.

Hindi man katangkaran ang maputi at chinita kong kababata na si Charm, pero sobrang lakas ng dating nito na nakakaintimidate sa iba

''Hindi ka na laging sumasama samin ah.. Nakakatampo ka na, Sienna.'' naka-pout na sabi ni Charm, matapos nitong humawak sa braso ko.

''Sorry naman.'' seryosong sagot ko sa mga ito bilang depensa. ''Ngayon na lang ulit kami magkikita ni Paul. Di ba busy siya last month dun sa thesis nila?''

Ilang linggo na ding kaming hindi nagkikita ni Paul. Bihira lang din kaming magkatext at magkausap. Pinigilan ko ang sarili kong idagdag 'yon dahil baka isipin pa nila na nagkakalabuan na kami ni Paul.

Nagulat nga ako ng bigla siyang pumayag na makipagkita sakin ngayon. Akala ko sasahin na naman niyang busy siya sa thesis nila. Hinanda ko na nga ang sarili kong matanggihan pero pumayag agad si Paul ng tumawag ako sa kanya kagabi.

Napangiti ako habang naglalakad kami palabas sa building. Sigurado akong namimiss din niya ko.

Sumimangot si Mina ng makita niyang nakangiti ako. ''Ikaw ng may love life.''

Bumuntong hininga si Charm pero nakangiti din ito. ''Amen, sister. Amen.''

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa ako ng malakas sa reaksiyon ng mga ito.

"Aba! Tinatawanan mo kami ha, porket ikaw lang ang may jowa!" nanunuksong sabi ni Charm ng tumigil itong maglakad at bumitaw ito sa pagkakahawak sa braso ko.

Tiningnan ko si Mina at naintindihan ko na agad ang balak nilang dalawa. "Wag! Wag dito nakakahiya, ang daming tao!" saway ko sa kanilang dalawa habang nagpaplano kung pano ako makakatakbo agad kapag nagtangka silang lumapit sakin.

Isa lang naman ang weakness ko na lagi nilang pinagtitrip-an. Saming tatlo ako ang pinakasensitive sa kiliti. Hindi sila titigil na kilitiin ako hanggat hindi nila ako napapapayag sa gusto nila.

Nagtinginan si Charm at Mina at alam kong kelangan kong kumilos agad. Tumakbo ako ng mabilis na ikinagulat nilang dalawa.

Rinig kong pabiro silang sumisigaw at tumatawa habang hinahabol nila ako.

I'm OBSESSED with my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon