2. Ng dahil sa Notebook

20 0 0
                                    

*SCHOOL*

Hinihintay ko na lang si Fritzie para maibalik ko na sa kanya yung Notebook nya.

Maaga pa naman. Ako pa lang ang nandito sa classroom yung iba kase binababa lang yung bag sa desk nila tapos lalabas na ulit. :)

Maaga dumating si Fritzie. Sobrang aga pa naman pero bakit parang nagmadali sya ng pagpunta sa school? Halata kase ang gulo gulo pa ng buhok nya eh.

"Good Morning Fritzie" tumingin lang sya saken then humarap na sa desk nya. Parang may hinahanap sya.

Ay! siguro yung Notebook nya? At dahil mabait ako ibibigay ko na sa kanya. Baka sakaling ngitian nya ko ;D

"Eto ba hinahanap mo?" Sabay abot ko sa harap nya. Halatang nagulat sya kase bigla syang natigilan. Ang ganda lang nung expression ng muka nya. di lang pala ung expression pati pala yung muka nya

Aabutin na sana nya ng bigla kong tinaas yung Notebook sabay nginitian ko sya. Pasama ng pasama ung tingin nya saken pero palapad naman ng palapad ngiti ko kase sobrang ganda nya lalo kapag nkikipag eye contact.

Na-Amaze ako mashado. Pakiramdam ko biglang bumagal lahat. First time ko maramdaman to. Bumibilis tibok ng puso ko ng biglang-- biglang tumunog yung tummy nya

Napabulalas ako ng tawa. Alam ko na gagawin HAHAHA!

"bibigay ko to sayo sa isang kundisyon" kung yung muka nya knina eh parang kakaen ng tao pero ngayon iba na para na syang masunuring bata na nkikinig.

Napakaganda lang talaga. May ganitong part pala sya. Napakaamo ng muka nya. Tapos yung lips nya. yung lips----

"Uy! Ano na?" Sabe nya ng mahinahon at dun din naputol yung pagtitig ko sa kanya.

Ano nga ba? Eh wala naman talaga kong planong ganito eh? Mag isip ka ng Kyle!

*Ting!* [ LIGHTBULB ] :)

"bibigay ko to sayo kapag nagpakabait ka at di mo na ko susungitan" Sabe ko habang nakatingin lang sya na parang kasali sa isang game show at nkikinig ng mga instruction.

Tumango tango lang sya with puppy eyes pa. Eh kung ngingiti lang sya ngayon eh ibibigay ko na to sa kaya agad hahaha.

"Tara na!" yaya ko sa kanya.

Napakunot noo naman sya? Yung mga mata nya parang nagtatanong kung saan.

"Tara na papakainin kita." sabe ko habang nakaSmile.

--

*Fritzie's POV*

Hinahatak ako ngayon ni Kyle. Ewan ko ba kung bakit ako napasok sa ganito. NapakaEpal lang kase siguro walang magawa tong taong to. Kung tao nga talaga?

Ngayon na lang ulit ako nakasama sa lalaki mula nung namatay si mama. Sinisisi ko si papa kaya di ako sumama sa kanya. Sinusustentuhan nya ko kaya ok na yun pero di ko sya mapapatawad. Lahat ng mga LALAKI manloloko.

*CANTEEN*

"Ano gusto mo kainin?" Tanong sakin ni Kyle. Ang kulit talaga nya. May paSmile Smile pang nalalaman tong mokong na to. Aaminin ko gwapo sya kapag nkangiti pero lahat naman ng lalaki manloloko kaya aanhin ang gwapo kung gago?

"Bahala ka, kahit ano." sabe ko ng seryoso. Sisigawan ko sana sya kaso naalala ko hawak pa pala nya yung notebook ko. Peste naman kase eh san ba kase nya nakuha yon?! >.<

"Sige hintayin mo ko jan." Sabe ni kyle at umalis na.

After five minutes nakabalik na sya at anu toh?! Bakit andame nyang dala?! Birthday ba nya?

"Kaen na!" Tuwang tuwa pa sya nung sinabi nya yun.

"Anu toh?! Muka ba kong patay gutom?!" Di na ko nkapagpigil pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

Pero tinawanan lang nya ko sabay pinakita nya lang saken yung Notebook at automatic na dinampot ko yung pagkaen at sinumulan ang pagkaen.

Nakakailang naman talaga. bakit kelangan nyang tumitig habang kumakaen ako? pero dedma lang gutom talaga ko at pakiramdam ko mauubos ko to.

--

*Kyle's POV*

Antakaw pala neto. walang kaPoise poise kumaen hahaha. Siguro sa kakamadali nya di na sya nkapag breakfast bago pumasok. :)

Pagkatapos na pagkatapos nya kumaen. Este lumamon pala haha. Bumalik na kame sa classroom at umupo lang sya agad sa upuan nya at guess what? wala akong natanggap na thank you pero masaya ako? ewan? eh kelan ba ko nalungkot?

May ten minutes pa bago dumating ang teacher kukulitin ko muna si Cindy. Yung mata nya kase pumipikit pikit pa eh.

"Cindy kayo pa ba nung panget mong boyfriend?" Tanong ko sa kanya ng paasar. Kakabreak lang kase nila ni Blake.

Matalino yang si Cindy tsaka matagal na kaming magkasama kaya alam na alam nya kung nang aasar ako o seryoso pero sa pagkakatanda ko wala namang time na seryoso kame kapag magkasama hahaha.

"Hindi na break na tayo eh" Sago ni Cindy sabay kame tumawa ng tumawa hanggang sa napansin kong napayuko si Fritzie.

Di ko na lang pinansin kase dumating na si teacher.

"Class may activity tayo. You have 1 week to prepare. Random yung groupings at dahil 40 kayong lahat 10 groups kayo" Napangiti naman ako kase mukang maganda yan ;)

Binasa na ni maam yung group 1 to nine pero di pa din natawag name ko.

"Group 10. Kyle Mariano, Cindy Salvador, Darein Castro and Fritzie Ramirez" Sabi ng teacher at halos yakapin ako ni Cindy sa tuwa nya.

Pero nagulat lang talaga ko. Tama ba yung narinig ko? Ksama sa group si Fritzie?

--

Bukas po ulit yung update. Di ko alam kung maganda pero PROMISE ginagawa ko yung best ko haha.

@iamsuperjason

Smile :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon