Dahil mabait ako may UD ulit. :)
i'll update as often as i can. Magpapasukan na kase eh. Hindi po ako magaling sa time management hahahaha baka sa pasukan madalang na yung UD.
--
Tama nga ang rinig ko. kaGroup ko nga si Fritzie. :D
*Group 10.
Kyle Mariano
Cindy Salvador
Darein Castro
Fritzie Ramirez
"Ayan na ang groupings nyo. for this activity you just need to show us your talent. Pag usapan nyo yan. Use everyones skills and most important of all teamwork" Sabe ng teacher namin.
"At ou nga pala! Ang mananalo ang magiging representative ng ating section. Ang representative ang lalaban sa ibang sections, ang prize eh trip to tagaytay. 3 days sa isang 5 star hotel. eat all you can buffet for breakfast, lunch and dinner. at nasa tabing dagat ang hotel kaya pwedeng pwede magswimming" Masayang sabe ng teacher namin
Agad kaming nag usap usap at pinagplanuhan ang gagawin. Marunong mag drums si Darein at tinuruan ko na din dati si Cindy magBass at marunong din mag guitar si Fritzie.
Sa totoo lang ayaw talaga ni Fritzie sumali pero dinaan ko sya sa smile at charms ko. HAHA! joke. Dinaan ko sya sa blackmail :)
--
*Darein's Music Room"
Si Darein ang pinakamayaman. Pagnaligaw ka sa bahay nila este Mansion pala 2 days bago ka makalabas haha.
"May naaamoy akong malansa ah" Sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko kay Cindy
"Hoy di ako yun ah! kakatapos ko lang mag red tide last week" Sabi ni Cindy on a very defensive way
"Di yun ang ibig kong sabihin" sabay bulong ko kay cindy ng "Pakiramdam ko may gusto sayo si Darein" At tumawa lang sya
"Tanga! isang linggo na nya kong nililigawan" Sabe ni cindy. Hala? Pbb teens sila kase 1 week pa lang mula nung pasukan hahaha landi talaga ni Cindy :)
Sinimulan na namin ang pagpapractice. So far so good haha.
Magaling pala mag gitara si Fritzie. buong practice tahimik lang sya at sinusunod lahat ng mga sinasabe ko. Di ako natutuwa ah. Babalik ko na sa kanya tong Notebook nya. next time hahahaha
Ou nga pala. si Cindy at Darein na. hahaha nung pagdating kase namin dito Nainlove si cindy sa bahay este kay Darein pala. :D
"Hiwalayan mo na boyfriend mo, wala kang mapapala jan" Sabi ko ng paasar
"Weh? bakit kagabe meron?" Sabi ni Fritzie sabay ngiti kay Darein
Namumula si Darein hahaha ang bading lang hahahaha
Natapos ang practice namin ng puro kulitan lang ginawa namin. pero bakit kapag nagjojoke ako eh yumuyuko si Fritzie? Hay naku >.<
--
*Last day before ou presentation*
Nagpractice kame hanggang sa mapagod kame. i think sobrang naPerect na namin pakiramdam ko Vocalist na ulit ako ng Smileys. hay namimiss ko na mga gigs namin ah.
7PM na at lumabas si Cindy at Darein sa Garden kase ewan ko sa kanila baka Hmm Hmmm hahaha joke.
"Fritzie ang ganda ng buwan noh?' Pagsisimula ko ng conversation.
"buwan? nanloloko ka ba?! Nandito kaya tayo sa Music Room. Tss" Sabi ni fritzie at inismiran pa ko. Nginitian ko na lang sya.
"Fritzie yung tungkol pala sa mama't papa mo? Naiintindihan kita" Sabi ko ng seryoso.
--
*Fritzie's POV*
Nagulat ako kay Kyle. Hindi sa tanong nya kase alam ko naman na itatanong nya saken yun. Nagulat lang ako kase biglang nag iba ung aura nya biglang naging seryoso.
"Panong naiintindihan?" Sabi ko sa kanya
"Naiintindihan ko kung baket ka ganyan? Kase parehas tayong wala ng magulang ang pinagkaiba lang natin eh hindi ko sila nakilala" Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Habang sinasabe nya yun seryoso sya pero nakangiti pa din at nkatingala lang sya sa bumbilya na parang batang inaabot kunyare. Sobrang ganda ng ngiti nya pero pag tinignan mo mabuti sya sa mata. Dun mo makikita yung pain.
"Uuwe na ko." Sabi nya sabay kumaway kaway. Naguluhan ako sa mga nangyare. kaya di na din ako nkapagreact sa kanya
--
Maikling UD lang to. Ok na din kase kakaUD ko lang din naman knina db? :)
@iamsuperjason
