♡c3:Hi♡

378 22 2
                                    







Chapter three





"Hoy!! G na Girl. Kanina mo pa di ako pinapansin ah. Ano ba nangyayari sayo? Ok ka lang ba talaga? Alam mo lately, nagiging moody ka na simula nong maging crush mo yang Louie na yan--" Keeyla.






"Kahapon" sabi ko sakanya. Kahapon ko pa lang naging formal crush si Louie. Pambirahang babaeng to. Sa dami dami ba namang pwedeng patulan yung akin pa talaga? Si Louie pa talaga? Kainiiiis !!



"Ah, Oo. Kahapon. Ano nga problema mo" tanong niya. Padabog akong umopo sa upoan ko.



"Ikaw? Anong problema mo?" Galit na sagot ko sa tanong niya na sinagot kong patanong rin.








"huh? Ei ikaw nga tong parang baliw. Di ako pinapansin at nakabusangot pa. Galit ka ba sakin?"She asked. Halata ba? Sorry ah. Psh. +-.-+

"Oo" tipid na sagot ko sakanya



"huh? Hoy bruha ka. At bakit daw kuno?" di makapaniwalang tanong niya. Exage siya masiyado ei.




"Sinabi mo kasing CRUSH NATIN SI LOUIE. Ei ? Di ba ako lang? Di ba akin lang siya?" sabi ko sakanya. Hindi ko pa rin tinitignan sa mata si Keeyla. Bahala siya diyan. Ei sa nagtatampo ako ei.





Bigla niya akong binatokan. Araay koo!! Siya na nga may kasalanan nangbabatok pa. Kapal din ng mukha.






"BUWANG KA TALAGA!! Ba't mo naman seneryoso yun? Joke lang yun siyempre!! Kitang may 'S' na ako. At alam mo naman hindi ako pumapatol ng mga crush ng mga kaibigan ko. Sira ka talaga!! Buwang ka kahit kailan. Kaloka. Dinibdib ba naman" paliwanag ni Keeyla sakin. Biglang nagstar star yung mga mata ko ★﹏★ . Ang bait talaga ni Besrfriend.




"Talaga keeyla? Di mo aagawin si Louie sakin? Kahit KEEYLAn? "sabi ko sakanya.




"Naman!!!" sabi niya. Nginitian ko siya at siyaka yinakap.











***Maya't maya lang. Tapos na kaming mag snack ni Keeyla. Si Keeyla nakaharap na ngayon sa phone niya,ako naman busy sa pag ubos ng isang biscuit ko. Uhm, Oo. May natitira pa akong pagkain. Bawal kasi minamadali yung grasya. Tapos na ang Lunch break but since wala naman kaming Science ngayon, kaya gumala lahat ng classmate namin. Iilan lang kaming nasa loob ngayon. Yung iba nagsosoundtrip. Yung iba nagchichikahan. Yung iba natutulog, may iba rin kumakain gaya ko ba. BAHAHAHA.





Maya't maya din ay dumating na sina Charlene. Naka upo si Charlene at Criezl sa harap namin ni Keeyla. Si Fritx at Saimon naman nasa harapan.



"Cristal, pinapasabi nga pala ni Louie na 'Hi' daw. Eheem. Lumalandi na ah. Kayo talaga." sabi ni Charlene. OH--- MY-- FUDGE--- MONKEY BARS---. Really? Does it mean? Kami na? kami na for real? Pupunta pa kaya rito si Louie ngayong alam niyang may nagkakagusto sakanya sa Classroom na ito?







Baka hindi na siguro




"Teka, Manolo -Mariz ba to sa MMK?"singit pa ni Criezl.






"Ganon na nga. Kuraak! Manolo- Mariz ng MMK sa Classroom. Vicerylle ng Showtime dito sa School. Ayiie" sabi ni Charlene. Totoo ba tong mga pinagsasabi nila. Napansin kong lumapit si Fritx samin.





"Nagpasabi rin siya ng I love you, Tal. Haba ng hairlalu mo ah?" sabi ni Fritx. Pakisabi din I love you too. Sobrang nagagalak talaga puso ko ngayon. I can't discribe how happy I am. Sobrang sobrang saya ko. To the highest level. Yung feeling na? Atlast. Napansin ka ni Crush. Di ba success?






"Pero alam mo,Tal. Malandi pa sa babae yung baklang yun. Nong sinabi nga niya saamin na iparating yung I love you at HI niya sayo, Dinirect to the point ko nga siya eh. Sabi ko sakanya, 'Ui bakla, kung hindi rin naman sincere at totoo yang I love you mo na yan, mas mabuti pang manahimik ka na lang, aasa lang yung taong sasabihan mo niyan ei' Tas sabi na lang niya, 'Edi sorry. Edi wag' . Kaya wag ka talaga masiyadong umasa don. Bakla kasi talaga yun ei, di rin kayo talo. PERO. Malay mo,ayiie" kwento ni Charlene. Biglang nawala yung saya ko. Yung kaninang masaya kong puso? parang nadurog lang ulit. At parang naiiyak ako? Hindi ako usually umiiyak sa school. Pero parang gusto ko talagang maiyak ngayon. Ang saya na kasi sana talaga ei. Nag I love you na siya ei. Binawi lang. Nahopia ako.




Oo nga naman, bat di ko ba naisip yun? Bat di ko iyon na isaksak sa kukote ko. Na bading siya. Bakla siya. Pareho kami ng hanap. Hinding hindi siya magkakagusto sakin. Hinding hindi siya magkakagusto sa mga kagaya ko. Sa mga babae.











Ang hina mo talaga Cristal kahit kailan. Ang hina mo pagdating sa pag ibig. Bat ba hindi ko naisip yun? Dapat yung pagtuonan ko na lang siguro ng pansin is yung nalalapit naming Periodical. This coming October 22-23. Tama. *TANGO-TANGO* Pero paano si Louie?










Di ko namalayan tumutulo na pala yung mga luha ko. Pero kahit tumutulo na yung luha ko, nagawa ko pang tumawa.












"Hahahahaha *PUNAS LUHA* Hahahahaha *SNIFF* Nga naman. Baklang yun, Hahahahaha *PUNAS LUHA* *FAKE A SMILE* Hahahahaha!" sabi ko at patuloy sa pag-sniff at pagpunas ng luha ko habang tumatawa. Hinahagod ni Keeyla yung likod ko kaya mas lalo akong umiyak.











"Parang baliw to si Cristal" narinig kong sabi ni Charlene.












Yinakap ko na lang si Keeyla. At doon sa shoulder ni Keeyla, umiyak lang ako ng umiyak. Pero di naman yung grabe na parang sanggol na 'UWA' talaga na 'UWAAA'... Iam silently crying. And deep inside im dying. Pero may magagawa ba ako?









Ba't ba ganito? Bat ko ba siya iniiyakan? kahapon ko lang siya naging crush? Si Ian nga ei dumaan pa muna sa isang taon bago ko siya iniyakan ng ganito.

















***Habang nagklaklase kami sa Mapeh, mas lalo kong napapansin yung presence ni Louie. Palagi siyang dumadaan sa corridor. Tas everytime na dadaan siya, parang may hinahanap siya. Baka si Fritx o baka si Charlene. O di kaya si Criezl. Mga kagroupmates niya sa Dance Troup/Club. Naalala ko tuloy yung naudlot na I love you niya.








May part tuloy sakin na sana di na lang sinabihan ni Charlene si Louie ng ganon. Siguro may I love you ako ngayon kay Louie. What do you think? Like? You know naman. Nagbabakasakali lang. Hindi, Umaasa lang. -___- Pssh.

















***After class, tamad akong tumayo at pumunta sa broom stand para kumuha ng Walis.





"Tal, tawag ka ni Louie"tawag sakin ni Criezl. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Oh my fudge monkey bars. Bakit? Ito na ba? Haharapin ko na ba talaga siya? Sasampalin na ba niya ako? I gulped. HuuuuNooo !! Pero dapat ko tong harapin.









Wag ka ngang duwag Cristal, Tanga ka na nga, Duwag pa. Grabeng kagagahan na yun ah.















Pumunta ako doon sa Back door kong saan andoon si Fritx, Louie at Charlene. Naka angkla si Louie sa braso ni Fritx. Bakla talaga.













"hmm? Bakit po?" magalang na tanong ko sakanila.










"Hi, Cristal" bati niya sakin. Nakatingin ang ako sa singkit niyang mata. Pwede na akong mamatay. Hi cristal palang yun. Pero para na akong mababaliw.











"Gurl, chika ng kulot na witch na 'to, nag cry cry ka daw kanina? Ba't ka umiyak?" sabi niya sakin. May I rest in Peace. +++

GAYxGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon