Chapter 3: Epic Failed

13 5 0
                                    


"Hayy nasan ba si Hope?" Hinanap ko muna siya sa canteen kasi alam niyo naman, baka nagutom. Haha Dejoke.



Nakita ko yung iba naming kaklase kaya nagtanong nalang ako sa kanila pero kanina pa daw sila dito pero hindi pa nila nakikita si Hope. So wala siya dito? Eh nasan na yung lukang yun?



Naisip ko na mas maganda kung babalik nalang ako sa library dahil hindi ko rin naman makita yung Hope na yun.



Pero nung pabalik na ko nakita ko si Sir sa may guard house, dahil katabi lng naman ng guard house yung multi-purpose building kung nasaan yung library! O_O Ang tagal ko na siyang hindi nakikita dahil sa research namin tapos ngayon, DESTINY thank you!



Kaya pumunta muna ako sa gilid para mas makita ko siya. Nakatayo ako doon na parang may hinihintay pero deep inside sasabog na tong muscle na nagpapump ng blood sa loob ng dibdib ko!



'Bakit ang gwapo niya? Akin ka nalang' natanong ko sa isip ko habang nakatingin pa rin sa kanya.



"Sure daw." May biglang nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako.



"Hoy gaga anong sure? Sorry na!"



"Wow ha galit ka? Ok lang yung kanina, kay Mico lang naman ako naiinis eh dapat nga sasagutin pa kita na boboinutiltangawalangalamhindinagaral eh"



"So hindi ka galit sakin?"



"Hindi. Kakasabi lang diba, boboinutilta--"



"Tumigil ka muna kasi ang ganda ganda pa ng view ko di-" pagtingin ko ulit sa may guard house wala na siya! HUHUHU (..- _-..) VAKET? Ha VAKET?



"Ha? Wala naman. HAHAHA" Dahil sayoooooooo! Hindi ko siya naki--



"HOOOOOPPPEEEE!"



At hinabol ko na nga siya papuntang library. Akalain mo yun, mabilis palang tumakbo si Hope? Kasi alam nyo naman diba?



Pagkadating namin sa library umupo agad kami kasama ng mga kaco-researchers namin-slash-classmates-kakulitan. At alam ko namang wala parin silang napoformulate na title dahil ganto naman lagi e pang three weeks na to at ipapasa na ang Chapter 1 next week wala pang nauumpisahan. Mas mabuti pa ata istalk ko nalang si Sir RJ. (--,)



"Ano nakaisip na kayo ng Title?" tanong ko.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon