Chapter 2: First day-slash-Love at first sight

19 4 2
                                    

*Flashback


*Krriiiiiiiiiiiiing!!!


4:30 am


"Good morning Philippines, good morning world!"


Di parin ako maka move- on, SHEMS high school na ko! Akalain mo yon parang kahapon lang may bakat pa ako ng gatas sa bibig ko tapos ngayon HIGH SCHOOL na ko! Pero may sadness parin sakin kasi sa public school ako maghahighschool from a private school na sobrang taas ng tuition fee to public school na walang bayad ang tuition fee. Hindi dahil naghirap o ano ang family ko, pero kasi National Science High School ang school ko ngayon, so it means na mas malaking chances na makapasa sa malalaking university sa Manila, hindi naman sa minamaliit ko or inaunder-estimate ko yung mga private school pero dun din naman ako nanggaling at private school din ang dahilan kung bakit nakapasa ako sa Science High School pero kasi sa tingin ko, my parents are just being practical kasi to know na ang gusto ng anak nila sa collage ay medicine.


Hindi ko rin alam kung bakit ang saya ko t think na maghahigh school na ako pero kasi parang ang saya ng high school. Lagi ko nababasa sa Wattpad na parang ang saya saya mag high school kasi makakakita ka ng bagong kaibigan tapos may mambubully sayo pero sa huli kayo pala magkakatuluyan. At feeling ko ang matured ko na.


Hindi na talaga ako makapag-intay pumasok kaya naligo na agad ako at nagbihis.


"Good morning anak! Excited ka ba?" tanong sakin ni mama pagkababa ko sa kwarto.

"No mom, SUPER EXOITED!"

"Okay anak, I'll pack your snacks then you should eat your breakfast na ha. Wait lang"

"Mom, no need. I should be independent from now on."

"Why?"

"Mo, high school na po ako."

"But yo-"

"Hayaan mo na siya hon." Singit ni daddy.

"Okay. But promise me, don't be in love too soon ha."

"Aye aye captain!"

"Okay. O hon hatid mo na yung anak mo."

"Okay. Bye. Let's go?"

"Opo daddy."

*end of flashback

Yan ang maling paniniwala ko na masaya mag high school. Haaay kung hindi lang talaga dahil kay Sir RJ hindi na ko mag-aaral, Charot! Haha Edi pinatay ako ng mom ko.

Haaaaaaay na haaaaaaaaaaay to the highest level, simula nung mag first year high school ako lalo na ngayon na last year ko na, hindi na ako nakatulog ng 8 hours. Unlike nung elementary ka na chillax lang, sobrang opposite ngayon at nabasa nyo naman na bago ako pumasok nung first day diba, English english pa. Ngayon? Ibang-iba na. English pa rin, pero minsan nalang.

Nandito nga pala ako sa library kasama ng mga kaco-researchers ko. Isa pa kaya sobrang busy namin dahil sa research na ginagawa namin na parang thesis sa college. Minsan ko na nga lang makita si Sir RJ e at ang nakakalungkot pa don kapag may pinapadala yung teacher namin na kasama niya sa faculty room at kasama ako, lagi siyang wala pero kapag yung mga kaklase ko nalang, UGH! (-_-)

Naalala ko tuloy nung una kong makita si Sir RJ

*Flashback

"Good Morning class!" bati ng first subject teacher namin

"Good Morning Ma'am/Miss..." Pagkasabi ko nang 'Miss' nagtinginan sakin yung mga kaklase ko. Bakit ganun yung tawag naming sa mga teacher nung elementary ako ha at yung kasama naman nung teacher naming S.T. tumawa pa. Ako lang ba galing ng private school? Yaz naman! By the way, infairness looks ha.

"Okay class, please seatdown. By the way, I am Mrs. Marie Mariano and this is... Sir?"

"Good Morning class, I'm Sir Robert John Major or just call me Sir RJ." (OO,)

'Tao ba to?' Bigla ko nalang napatanong sa sarili ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya kasi sobrang perfect ng view. Oh my gulay! Bakit sobrang gwapo niya (--,?)

"And because this is our first meeting, I would like you to introduce yourselves in front of your class."

Nagpakilala na kaming lahat sa harap pero eto parin ako, sulyap sulyap like 'Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito'

*end of flashback

Kapag naiisip ko na napatawa ko siya, kinikilig pa rin ako.

"Hoy Ja! Ano na?" tanong ni Hope, isa sa ka team ko sa research namin.

"Anong ano na?"

"Agree ka ba?" agree saan? Hindi kasi ako nakikinig sa kanila kung may pinaguusapan man sila.

"Ha? Sa alin?"

"-______-"

"SORNA!" Dahil poker face lang ang natanggap ko, napasigaw ako bigla.

"SSSSSSHHHHH nasa library po tayo ma'am." Sabi nung librarian.

"ah ehehe. Peace." Sabay peace sign sa librarian. Soory poooo. "Hope ano ba kasi yun?"

"Haaaaaaayyyyyyyyyy haba nung sinabi ko wala kang narinig?"

"Eh baka meron." Pamimilosopo ko.

"Nice ikaw pa nang gaganyan ha. Bahala na nga kayo diyan." At nagwalk-out na siya. Hindi ko naman kasi talaga alam at bakit ba ang pikon niya ngayon?

"Bakit ba yun badtrip?"

"Eh pano po kanina pa iniinis nitong si Mico na tungkol na lang daw sa fats yung iresearch natin tapos may sinasabi siya sayo na gagawin nyo hindi ka naman pala nakikinig sa hinaba-haba ng speech niya pinilosopo mo pa." -Rejie.

"Sorry na, nagsasuggest lang naman. Diba tama naman fats kasi sabi ni Ma'am humanap daw ng topic na close sa buhay nyo."-Mico.

Napatawa pa ako ng konti kahit seryoso na yung pinag-uusapan pwera lang sa sinabi ni Mico, kasi naman kahit kelan talaga tong si Mico, laging iniinis si Fatima Hope Mendoza. Oh diba FHM? Haha pero kahit ganon na chubchub si Hope, sobrang bait nun. Kung alam lang niya siguro yung iniisip ko kanina kaya hindi ko siya maintindihan, tawang tawa na yun ngayon. Simula kasi first year kahit 2 years na hindi kami naging magkasection, kasi 8 sections ang Science High at kailangan random ang section, bestfriends kami ni Hope lalo na ngayon, lahat ata ng pinagdaanan namin sa buhay namin alam namin.

"Sige hanapin ko lang si Hope, magsosorry muna ako."

"Okay, basta bumalik kayo dito ha. Kelangan na natin ng topic para makapagsimula na tayo ng Chapter 1 natin."

"Owigi."

______________________________


Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon