Chapter 6: Love or Hate (Special Chapter)

17 4 3
                                    

A/N: Special Chapter lang po to. Kung ayaw nyong basahin okay lang no pressure. Thank you

_________________________________

Hope's POV

"Mamaya na sagot!" At hinila nga ako ni Mico para makasakay kami ng Tricycle.


"Eh bat ka galit? Hoy! Hindi ko pa nakakalimutan yung mga pinaggagawa mo kanina ha!"


"Alin na naman?"


"Ewan ko sayo!"


"Ako na ngang nagmagandang loob at sinabay kita pauwi e, niaaway mo pa 'ko. Sumbong kita sa mahal ko e." At nagpapacute pa-siya. YAK ang bading talaga nito e.


"Hindi bagay no! Kadiri!"


"Oi oi! hearthrob toits."


"Feeling mo! Sino namang nagkakagusto sa'yo?"


"Si Fatima, si Hope at si Mendoza."


"Ahh. Okay, pakilala mo naman ako"


"Gusto mo ngayon na? Haha." Ngayon? Paano naman? Ah baka tatawagan niya, pero diba dapa-Wait? Bobo ko talaga, naisahan ako dun ah


"Hoy!" sabay palo ko sa balikat niya. Langhiya rin tong si Mico e, ginigisa ako sa sarili kong mantika. "Ako lahat yun eh! Salaula mo!"


"Bakit ikaw lang ba may pangalang Fatima Hope Mendoza? Ayiee siguro crush mo nga ko no?"


"Hoy tumigil ka nga! Nasa katinuan pa ko!"


"Kaya nga."


"Anong kaya nga? Feeling mo!"


"Kaya nga mawawala ka na sa katinuan NGAYON kasi narealize mong may crush ka sakin."


"Tumigil ka nga sa IMAGINATION MO! Baka ikaw nga may crush sakin e." Panloloko ko sa kanya. 'Why not?' Haha, feeling daw tong si Mico pero mas feeling pala siya haha.


"Anubayan Hope. Pede mo namang aminin. Promise, hindi ako magagalit."


At hindi namin napansin na napalayo na pala kami kasi nalibang kami sa pag-iinisan kaya pumara agad kami. "Manong dito nalang po. Eto po bayad namin o."


"Promise, babayaran agad kita bukas." Pagkasabi ko non, ginulo lang niya yung buhok ko. Nakakains talaga tong panget na to e, hindi na nga ako nag-susuklay ginulo pa lalo.


"So, pano ka uuwi?"


"Ayieee sabi ko na nga ba e, ikaw talaga may cruh sakin. Concern ka babe?" Eeeww! BABE?! Muntanga naman. Halos masuka-suka ako sa sarili ko to think na sinabi ko yun sa kanya.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon