VII. The Only Way

63 2 0
                                    

Jas’ POV

“Kumain ka na.”

Nakangiti saken ang isang magandang babae. Black beauty sya. I guess, she’s 25 years old. Sobrang sexy nya at ang laki ng boobs.

Samantalang yung akin. . .

32A. . . Kamatis. . .

“Bastos talaga.”

“Huh?”

“A. Wala. Hehehe.”

Gabi na dito.

Kakain naman kaming tatlo. Katabi ko si Negi at kaharap ko ang babae. Maliit lang ang kusina. Yari ang buong bahay sa kahoy.

Ganito pala yung feeling na pag nakapunta ka sa loob ng bahay ng mga anime character.

T-teka!

Spaghetti ba tong nasa pinggan ko?

“Spaghetti!”

Ah. Huh?

"Kanina mo pa tinititigan yang pagkain mo e. Pareho naman tayo ng kinakain e. Ayon sa mga nakapunta na din ditong kagaya mo."

Ngumiti ako sa kanya.

"Aaaaaa. . . "

O___________________________O

"Masarap nga!!! "     ^_____________________________^

"Hahahahaha!"

Kumain lang ako.

"I-ikaw si Maria Noches diba?"

"Ako nga. Ikaw si Justine. Ikinagagalak kitang makilala."

"Ako din. Uhmmm. M-may itatanong sana ako sayo."

"Alam ko na yun."

"H-ha?"

"Alam ko kung paano pero. . . . hindi ako ang makakatulong sayo."

"Huh? E sino?"

"Si Ban. Ban Midou."

Ban Midou.

Parang. . . narinig ko na ang pangalang yun somewhere.

A, ewan. Hindi ko matandaan.

"Okay. So. . . san ko mahahanap ang Ban Midou na yun?"

Halatang nagulat sya sa tanong ko.

"Hahahaha! Hindi mo sya kailangang hanapin."

"Huh?"

"HAHAHA! Hindi mo sya kilala?"

Ano daw?

"H-hindi e."

"Siya yung lalaking sumundo sayo."

 Sumundo?

.                        .                           .                              .                              .

Manahimik ka nga!

Hmmmmm.

Para yun lang?!

Ako ang unang lalaking humalik sayo?

Dalawang kamatis.

Wag kang malikot.

May muta ka.

32A.

Kekekekekeke!!!

Naihampas ko ang dalawang kamay ko sa lamesa.

"SIYA ANG TUTULONG SAKEN?! ANG MAYABANG, WALANG MODO AT MANYAK NA SEA URCHIN NA YUN?!"

"W-wow! Mukhang close na kayo a. Hahahaha!"

"Hindi mo naiintindihan Maria. Hindi ako tatagal ng isang minuto kapag kasama kong ang Heminaiang yun!"

Sumeryoso ang mukha niya.

"Si Ban lang ang makakatulong sayo."

"A-ano? Bakit?"

"Dahil siya lang ang nakakaharap sa Diyos ng Heminaij."

"Sa harap ng diyos nyo?"

"Makinig kang mabuti. May tatlong kahilingan na hihilingin sayo ang diyos ng Heminaij. Kahit anong mangyari, ibigay mo ang mga yun. Pagkatapos nun, tsaka ka lamang makakaalis dito."

Napalunok ako.

"Ano yung mga yun?"

"Walang nakakaalam."

"E bakit si Ban lang ang nakakakita sa kanya?"

"Tsaka mo na malalaman." At ngumiti si Maria saken ng makahulugan.

An Earthling in the World of AnimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon