I. Jas

231 6 1
                                    

Yoon Jun Hye. Jas, for short. Kahit di ko alam kung bakit. -_-

Kita naman siguro sa name ko na Koreana talaga ko pero actually 1 beses pa lang naman ako nakakapunta dun. Summer vacation last 2009 with my lolo. Korean lang ako by blood. Filipina by nature. Nakanam! Haha Dito ko sa Philippines ipinanganak at lumaki.

"Ms. Justine. Hihintayin kita mamaya dito ha. May gusto ka bang ipabili?" 

Our car stopped right in front of Yoon Hyun Min International School. Tinititigan ko lang to. Yup. Yoon. Kami ang owner ng buong school na to. Maiko-compare ang laki ng school at facilities  namin sa mga kilalang schools dito sa Manila. Madaming foreign exchange students and nandito. Korean. American. Chinese. Japanese. Taiwanese. At kung anu-ano pang lahi. May mga Filipinos din dito. Trip nila e. One thing that I love about this school? Mandatory ang matutunan ang Tagalog. Kasi naman, yung iba titira dito tas ayaw magsalita ng Tagalog. Weirdo kaya. Haha

And things that I hate about this school?

I only have two friends and the fact that the rest see me as "teachers' pet." Oo. Teachers'. Kasi lahat sila. No exception. For the reason na kami nga may-ari. Great!

Yuck. Ginusto ko ba yun?! >_<

"Ha? Ah. E. . . wala naman Yaya Elena. Dapat nga po hindi nyo na ko hinahatid o sinusundo e. Ok na po kami ni Kuya Clim. Malaki na po ko."

Si Yaya Elena ay 48 yrs. old na. 20 yrs. old pa lang sya, naninilbihan na sya samen. Sobrang close namin. Mas close pa nga kesa sa tunay kong lola e. Si Kuya Clim naman ang driver namin. Matanda lang sya saken ng 5 years.

"Hay naku. Hindi pwede Ms. Justine. Alam mo namang pinagbilin ka saken ng parents mo. Tsaka mabilis magpatakbo tong si Clim pag wala ako." Sabay tingin kay Kuya Clim na puro text lang sa una.

"Ya. Jas. Just call me Jas. Para namang di tayo close nyan e. May Ms. pa sa una." I pouted my lips and looked at her with my big and persuading eyes. Asset ko kaya to. Hehe

"Ok. Jas na kung Jas. Pumasok ka at baka ma-late ka pa."

Hmmm. Di naman nagre-react yung mga professors ko kahit 30 mins akong late e. Kahit nga siguro 1 week akong absent di sila iimik sa takot kay grandma ko. Haha Pero syemper, good girl ata to. Most Punctual nga ko sa graduation e. XD Lumabas na ko ng kotse at nag-goodbye sa kanila.

As usual. Ang mga girls di ako feel. Whispers here and there. Haaaay. Tumungo na lang ako sa room namin sa 3rd floor.

Chaotic. Yun ay ang classroom namin. Kanya-kanyang kumpulan sila. Iba-iba ring topic. Ang boys, NBA. Yung mga honor students, about sa long quiz mamaya. Yung mga year level officers, details sa graduation ball. At itong maiingay sa likod ko ay walang duda kung sino ang topic. Si Daniel Padilla. Kanya-kanyang irit ang mga lola mo. -_-

 Umupo na lang ako dito sa unahan. 9:15 na a. Wala pa rin yung prof. namen.

"Oh.  Why're your eyebrows like that?" Si Cass yun.

"Ang aga-aga pa a. May problema ka na agad?" ngumiti saken si Lily at umupo sa tabi ko. 

They're my only friends since nung freshmen pa lang kami. Pareho silang Korean but then fluent na din sa Tagalog. Actually, hindi din sila marunong mag-Korean kasi both of them grew up on States. Pare-pareho kami. Nandito din ang family business nila so we're all staying here for good. Cass is a model. Certified fashionista. Sya yung Regina George ng Mean Girls minus the attitude kasi mabait yan kahit baliw and she's smart. Ang family ni Cass ay may-ari ng isang famous clothing line and nagfra-franchise sila ng mga kilalang restaurants sa America and then dinadala nila dito. Si Lily? She's like a doll. Sya yung pinakamabait sa aming tatlo. Certified na addict sa anime. She's a cosplayer, BTW. They own 15 hospitals and a pharmaceutical company.

An Earthling in the World of AnimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon