Jas’ POV
Ang bilis namang maglakad ng sea urchin na to. >_<
Grabe! Wala man lang ibang dumadaan dito. Sabagay, mukhang ito naman yung probinsya sa kanila e.
Sobrang tahimik.
Puro footsteps lang ni Ban ang nakikinig ko. . .pero syempre yung sakin din. Sa dami ba naman ng natatapakan kong mga tuyong dahon e.
Kasalukuyan ko syang sinusundan; akala sigurong mokong na to maiiwan nya ko.Hahahaha!
This is my plan.
Susundan ko lang muna sya at pag medyo malayo na kami sa bahay ni Maria, magpapakita na ko! Di na nya ko mapapabalik nun! Gagamitan ko din siya ng isa sa mga secret charms sa mga lalake na tinuro saken ni Cass. Well, applicable na rin siguro yun sa mga nilalang ditto sa mundo ng Heminaij. Lalake din naman to.
Ayos! ;)
Huh? o_0
“A-asan na yun?”
Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya kanina.
“Ano. . .bat nawala yun?! Hindi ko naman siya inaalis sa tingin ko a.”
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Ban’s POV
Anong feeling ng taong to?
Hindi ko alam na sinusundan nya ko?! Ha!
Bwiset talagang matandang mangkukulam yun! Sigurado akong siya ang namilit na sundan ako at nagsabi na paalis ako ngayon sa bubwit na nasa likod ko.
May patago-tago pa sa mga puno. Tanga na lang ang maniniwala sa kanya.
Kung ganun. . .
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Jas’ POV
“Asan na ba ang salungo na yun?”
“Sinong salungo?”
Lumingon ako ng dahan-dahan.
“Aaaaaaahhh!”
“Hoy!”
“B-bakit? Bat bigla ka na lang sumulpot sa likod ko?!”
“E bakit mo ba ko sinusundan?”
“Alam kong alam mo kung bakit.”
“Makulit ka ring talaga no.”
“Oo. Dahil ikaw lang daw ang pwedeng makaharap sa Diyos ng Heminaij! Ikaw lang ang pag-asa kong makaalis dito!”
Hindi siya umimik.
“Ban.”
“Ayoko pa rin.”
I pouted my lips.
Yes!
Siguradong gagana to. Ayon kay Cass, weakness ng mga guys kapag nagpa-pout ang mga girls. Mga pa-cute.
“Nakagat ba ng ipis yang nguso mo? O baka naman surot?”
Ngek.
“Bwiset ka talaga! Tulungan mo na kasi ako!”
BINABASA MO ANG
An Earthling in the World of Anime
FantasiI just wanted to escape from all the problems in this world. Yung walang stress. Walang obligations at expectations. But. . . I never said na gusto kong mahanap ang mga yan sa ANIME WORLD!!! At lalo na ang ma-in love sa isang ANIME CHARACTER no!!!