B. Kontrabida
- Masama sya.
1. Ms. Mataray- Sya ang ultimate kontrabida na may 10000000 porsyentong lakas na ginagamit sa tuwing aawayin nya si bidang babae. Laging may plano ang bruhang ito na pabagsakin ang ating bida maangkin lamang si bidang lalaki. Mataray sya. Pramis.
2. Boy Bastos- Sya yung laging nagtatangkang may gawing masama sa ating bidang babae. Minsan, may grup[o sila na laging nakatambay sa kanto o kaya eh nakainom at naglalakad sa kalsada. Pero in the end, nabubugbog pa rin sila dahil kontrabida sila. BWAHAHA!
3. Fans Club Leader- Ang leader ng fans club ng bidang lalaki. Sya ang ultimate protector/stalker nito. Lagi nyang inaaway ang kung sino mang malilink sa prinsipe nila. Over protective ang lola mo. Pwedeng ka-joined forces nya si Ms Mataray, pwede ring hindi.
4. Alipores- Sila ang sidekick ni Ms Mataray. Nakakabadtrip sila. Mas nakakabadtrip pa kay Ms Mataray. Usually, dalawa lagi ang alipores. Isang close-close-an kay Ms Mataray, ang isa naman ay bububells na laging mali ang grammar, o kaya eh tanga-tangahan talaga.
5. Pekeng Friend- Sya yung nagpapanggap na friend mo pero sya pala ang dahilan ng ikasisira ng pangalan mo. Gagawin nya ang lahat mapabagsak ka lang.
6. Nagbabalik na Ex- Sya ang sisira sa masayang relasyon ng bidang babae at lalaki. Gagawin nya ang lahat bumalik lang sa kanya ang dating sinisinta. Di kasi maka-move on eh.
---------------------
Next ay ang paborito kong characters: EXTRAS. :))
BINABASA MO ANG
Mga katangian ng isang CLICHE Love Story
LosoweAlamin ang mga katangian ng isang cliche na love story. WAG KAYO MAGALIT! Just for fun lang to. :)) PEACE OUT! <3