The Characters (Extras)

1K 36 27
                                    

C. Extra

-Hindi man sila ang bida o wala man silang major role sa kwento... at least, umextra sila.

1. Ang Barkada- Hindi mawawala ang barkada sa mga kwento. Sila ang nagbibigay ng spice sa buhay ng ating mga bida. May good influence, may bad influence rin. May mga iba-ibang klase ng kabarkada:

a. Karibal kay love life Friend- Ang pinakamalaking lovelife problem ng bida. Hello? Syempre kung ikaw 'yung friend, diba gagawin mo eh magpaparaya para sa friend mo. 'Yun eh kung 'yung character eh mapagbigay. haha.

b. Crazy Friend- Sabi nila, friends don't let friends do crazy things alone. CRAAAAZY.

c. Sungit Friend- Friend, why so sungit? Ang realist na friend. Na laging nagpapaalala sa bida na wag mag-ilusyon.

d. Supportive Friend- Ang friend na kahit anong gawin ng bida, support support lang. Tapos sya pa yan ang laging nagsasabi sa bida na gusto rin sya ng taong gusto nya.

e. Beki Friend- ang friend na hindi lang pang-comic relief, pang deep moments din! Ang saya siguro kapag may beki friend ka.

2. Ang Nanay at Tatay- Sa mga babae, sobrang supportive nila at inaakala na lahat ng lalaking pumupunta sa bahay nila eh boyfriend ng anak nila. Laging OA kung maka-react.

3. Kapatid- Minsan, si kapatid eh nagiging karibal pa sa pag-ibig pero... nevermind. Syempre, hindi nawawala si kapatid, unless only child ang bida. Pampasaya sa kwento.

4. Teacher- Sa school setting, laging may teacher. Saan ka nakahanap ng school na walang teacher? Eh di sana dun na ko nag-aral. -__-" May mga teacher na terror, meron din namang mabait at sobrang joker. Meron namang iilang no reaction at wapakels sa mga estudyante.

5. Classmates- May iba't ibang klase ng mga classmates, may mabait, may sulsol sa mga kontrabida at may ibang walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo. Lagi sila na-eextra sa school. Syempre, saan ka ulit na nakahanap ng school na isa ka lang na estudyante? Eh di, hindi na yun school. -__-"

6. Fans- Sila ang mga solid members ng fansclub ng bida. Laging naghahabol para magpapicture at magpa-autograph. Sa sobrang fanatic, gumawa na talaga sila ng bonggang fans club. Required eh.

7. Mga Tambay- Laging naka-abang sa kanto kasama ni Boy Bastos (see The Characters, Kontrabida). Sila ang tagahawak sa bidang babae para di makatakas. Pag dumating na si bidang lalaki, sila naman ang makikipagsuntukan isa-isa sa kanya. In the end, talo pa rin sila.

8. Manang tindera- Si manang tindera ay laging nagbibigay ng advice sa ating mga bida. Minsan, hindi binibigyang pansin ang mga sinasabi nya pero kadalasang may aral na mapupulot sa mga tinuturan nyang salita. Karaniwang nakikita sa kalsada o kaya sa canteen.

9. Ate saleslady- Si ate saleslady ay medyo parehas ng attribute kay Manang T. Pareho silang nagbebenta. Nga lang, si Ate S eh laging napapagkamalang may BF-GF ang ating mga bida. Minsan eh tinatangkang akitin ang bidang lalaki. Teh, yung totoo? Cougar? Karaniwang nakikita sa mga mall. Favorite Line:  "Sige na sir, ibili niyo na po ito sa girlfriend niyo."

10. Waiter/Waitress- Syempre, pag nasa restaurant ang magsing-irog at nagde-date, present sila. Unless sa carinderia sila nagde-date.

11. Bata- Basta, astig tong mga bata. Hindi sila pwedeng mawala sa mga kwento. REQUIRED kumbaga. Minsan, bigla na lang silang sisingit at magkakaroon ng line. May mga batang cute talaga, may iba naman nakakaasar lang. Pero all in all, cute pa rin ang mga batang ito.

12. Chismosa- Hahaha! Nakakaasar tong mga 'to. Bwesit. Papansin eh. Sila ang mga dakilang tagapaglaganap ng maling balita, chismis enebriten. Para lang may masabi, gagawa pa ng kwento. Kajirits tong mga to. Haha. (credits to @mishipam Thanks girl! :D)

Mga katangian ng isang CLICHE Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon