V. Endings
-Dito na malalaman kung ano ang ending, happy ba o hindi.
A. And They Lived Happily Ever After- May iba't ibang klase ang ATLHEA na ending.
1. Happy Family- Sa ending, nagkaroon na ng pamilya ang mga bida, sila ang nagkatuluyan eh.
2. Kasal- Oo, kinasal na yung mga bida at ready na silang bumuo ng kanilang pamilya.
3. Sila na- Hindi man sila kasal, mag-jowa naman sila. Ito ang pangkaraniwang ending. Oops, wag munang magsaya, mag-jowa lang sila, di pa kasal, pwede pang mag-break.
4. The Kiss- May mga ilang kwento na rin akong nabasa na kiss ang ending. HIndi naman sa nag-aamok ako o ano pero... wala na bang iba? Kiss lagi? Parang pelikula lang ah. Haha. Pero sweet naman. :) [credits to @AnakDalita. Thanks ate. :)]
5. Buntis- Oo nga! Kasi usually, nag-eend yung ibang kwento na malalamang buntis si Babae. Haha. Tapos magugulat ang lahat, kasi nabuntis na si Babae. [credits to @modernongmariaclara. Thank you Ella :)]
B. The Tragic Endings- Ito naman ang mga malulungkot na ending.
1. Death- May namatay. At bida ang namatay. Pwedeng yung babae, pwede rin yung lalaki. Ang cause of death eh pwedeng sakit o aksidente. Pero mas masaya kung dalawa silang mamamatay! WAHAHA!
2. Unhappy ending- Hindi sila nagkatuluyan sa huli, kahit pa gaano nila kamahal ang isa't isa. Pwedeng na-arrange para ikasal sa iba ang babae o lalaki, o kaya eh isa sa kanila ang lumayo, tapos biglang ayun, nalaman na lang nya na kasal na yung mahal nya.
C. Twisted Endings- Eto ang gusto ko eh. Yung akala mo yun na yung katapusan, tapos biglang iba pala sa inaakala. Kaya twisted. Pero di naman na 'to cliche.
----------
Ang boring nitong entry. Pagsisikapan ko na yung next entry! >___<
Suggest please! :)
BINABASA MO ANG
Mga katangian ng isang CLICHE Love Story
DiversosAlamin ang mga katangian ng isang cliche na love story. WAG KAYO MAGALIT! Just for fun lang to. :)) PEACE OUT! <3