The Interview

63 2 2
                                    

[Siri's POV]

Iniwan ako ng babaeng yon ng hindi man lang nagsasabi ng sorry! Tapos. Tapos. Tapos. Binatuhan ba naman ako ng 2,500?! Biruin mo yon! Sinabihan pang fake ang damit ko! Napakamatapobre talaga non! Nagpapanggap pang hindi ako kilala! Bwiseeet! Nagtuloy tuloy na lang ako sa Information at tinanong kung saan ang CR nila saka nag-ayos ulit ako ng sarili ko. Nang maayos na ako ay nagtanong ulit ako sa Information kung saan ang Office ni Mhilen Secreto.
"Good Morning Mam. What can I do for you?" Nakangiti niyang bati sa akin.
"Ahm. Miss. Where- Ahm. Saan dito ang office ni Ms. Mhilen Secreto?" Ugh! English pa buset!
"Oh. It's on the 3rd Floor Mam. You can see Name Plate on the door and there you will find her."
"Th-Thanks." Sumibat na ako ang baka magnosebleed pa ako.
Sumakay ako ng elevator para mas madaling makaakyat.
"3rd floor please." Sabi ko sa elevator boy.

Nang makarating ng 3rd floor ay namangha ako sa ganda ng mga Office dito. May mga pangalan nga na nakaindicate. At puro computer-operated ang mga pambukas ng Office. Kaya kitang kita kung sino ang nasa labas. Kung mapagkakatiwalaan ba o hinde.
'Grabe. Balang araw magiging akin ka rin Sophisticated Company.'

Bago pa ako malunod sa pagdedaydream ko ay tinahak ko na ang daan papunta sa Office ng mag-iinterview sa akin. Nasa tapat na ako ng opisina niya nang may biglang nagsalita...

"Name please." Nakakagulat pero yun pala yung Person Detector na nasa harapan ko.
"S-Siri. Siri Salonga." Pagkasabi ko noon ay automatic na nagbukas ang pintuan.
"Huwaaaw"
Tuloy tuloy ako sa pagpasok at nakita ang interviewer ko pero nakatalikod ito sa akin na nakaupo sa kanyang swivel chair.
"G-Good Morning po Ms. Mhilen." Nangangatal kong bati sa kanya.
"Good Morning Siri. Please take a sit." Umikot siya para magkaharapan kami.
May sumulpot naman na upuan sa bandang likuran ko.

Sa pagkamangha ay napaupo na lang ako gaya ng sinabi niya.

"So. Today is your first interview. May I have your resume?" Inilahad nito ang kamay niya para abutin ang resume ko.
Ibinigay ko sa kanya ito.
Sinipat niya muna ang aking resume.
"Hmmm. Written here that you never took a Computer-Related Course. So why do you want to work here for us?" Patay English.
"Ahmm. K-Kase po..."

[Mhilen's POV]
Oops. She's answering it in Tagalog. Haha. Until now she can't speak in English straightly. Gosh!
"Ahmm. K-Kase po..."
"Eherm. I forgot to tell you my dear. Once you are asked in English. You should Answer it in English too." Ayee. You're so clever. Haha.
"Uh-hmm. Because I want experiencing works like this. A Application Developer." Sa sagot niya palang matatawa ka na. Pero hinde, hindi ako pwede tumawa. At baka kung ano isipin niya.
"Another question. Don't worry. Only 3 questions will be given to you. This is the 2nd question. What do you think is your skill that'll help you be chosen for this position?"
"B-B-Because I ended College. And I have Beauty and Brains that needing here at the company." Wooh! Hahahahaha. She's brave! But not in speaking in English.
"Oh. Beauty? Maybe Brain YES! But not BEAUTY. Well. No offense. I'm just telling the truth. This is the last question. Do you think we will accept you here? Why?"
"Yes. You accepting me. Because I worth and learning this position." Ano daw? Huh! Sumasakit ang ulo ko!
"Okaaay. 1 out of 3 interviews for you is done. Wait for our call if you will proceed to the 2nd and 3rd interview. Thank you for your wonderful time Ms. Siri Salonga." Nakipagkamay ako sa kanya.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay dumiretso ako sa opisina ni Ayee.
Pero biglang may nagShut Down...

Comeback Is Real!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon