Dear Watty,
Hi, ako nga pala si Alfred. 21 years old, NGSB. Oo, alam ko nakakatawa pero totoo 'yun, hehe. Torpe kasi ako, watty. Kaya hanggang ngayon torpe ako, sumulat ako sa'yo para ikwento ang isa sa mga nakakahiya pero napakagandang karanasan na naexperience ko sa buong buhay ko.
2 years ago, nakita ko siya sa may waiting shed. Ang ganda niya, watty. Kaya lang mukhang isnabera, suplada siya at hindi palangiti. Kung hindi lang bumusina 'yung jeep na huminto sa harap namin ay hindi maaalis ang pagkakatitig ko sa kanya.
Puno na 'yung jeep, isang tao nalang ang kasya dun. Kaya kahit late, no choice ako kundi ibigay ang upuan sa kanya. Binigyan ko siya ng daan pasakay sa jeep, "Miss, ikaw na." Sabi ko sabay ngumiti. Tinignan niya ako pero saglit lang, dire-diretso siya sa loob hanggang makaupo siya. Hindi man lang nagpasalamat, sabi ko sa isip ko.
Mabuti nalang at may dumating na panibagong jeep, sumakay na ako agad para makahabol pa sa klase ko.
Matapos ang buong klase, dumating na ang pinakahihintay ko. Uwian na, watty! Kaya lang umuulan ng malakas, wala pa naman akong payong. Badtrip diba?
Tumakbo ako sa may paradahan ng jeep, sakto naman at may jeep na pauwi sa amin. Sumakay ako at laking gulat ko nang makita ko siya.
Nakita ko siya, watty! Si Miss Suplada.
Tahimik lang siya, nakikinig lang ng music sa cellphone niya. May nakakabit kasing headseat sa tenga niya. Hindi ko alam kung may katext siya o wala, nakatingin lang siya sa phone niya buong byahe. Dun ko narealize na buong byahe ko rin siyang tinitignan.
"Para po," sabi niya.
Ang ganda ng boses niya, watty. Alam kong weird pero nung marinig ko 'yun, bumilis yung tibok ng puso ko. Kaya lang napansin kong nandito na pala kami sa babaan, sa waiting shed kung saan ko siya nakita. Bumaba na rin ako at sumilong muna dahil malakas pa rin ang ulan. Hindi pa rin siya umaalis, hawak niya yung payong niya pero hindi niya pa 'to binubuksan.
"Wala ka bang payong?" Narinig kong sabi niya, tinignan ko siya. Nakatingin siya sa'kin, at nung oras na yun gusto kong sumigaw watty.
Kinausap niya na'ko! Wooh!
"Ah, wala eh. Hihintayin ko lang humina yung ulan tapos tatakbo nalang ako." Nginitian ko siya. Nakita ko rin siyang ngumiti, kahit madilim na kitang-kita ko pa rin yung maamo niyang mukha.
"Sabay ka na sa'kin, kuya?"
Nawala ang ngiti ko nung marinig ko 'yun...kuya.
Okay na sana watty! May 'kuya' lang na kasama eh!
"Siguro naman, malapit lang bahay mo?" Sabi niya ulit.
"A-ah.. oo, malapit lang." Sh*t lang, nauutal ako! Binuksan niya 'yung payong niya at tumingin ulit sa'kin, "Tara na?"
Kinuha ko sa kanya 'yung payong niya, "Ako na.." matangkad kasi ako, baka mangalay siya. Ang ungentleman ko naman kung hahayaan ko siyang mag-hawak ng payong.
Tahimik lang kami habang naglalakad sa daan, tumikhim ako para mabasag yung katahimikan. "San ka ba nakatira?"
"Malapit na niyan, kung gusto mo hiramin mo muna 'yang payong. Okay lang naman,"
Alam mo watty? Iisa lang 'yung daan na pinupuntahan namin, hindi ko alam kung bakit pero bumilis na naman 'yung tibok ng puso ko.
Nung nakita ko na 'yung bahay namin, hindi ko maiwasang malungkot. Malapit na siyang umalis, watty. Iiwan ko siya mag-isa.
BINABASA MO ANG
Dear Watty,
RandomIba't- ibang istorya, iba't-ibang tema. Minsan malungkot, minsan masaya. Mga sulat na may aral na dala, Mga sinulat mula sa ala-ala..