Bus

24 2 0
                                    

Dear Watty,



Kevin is the name. Medyo weird nga lang 'tong story ko, hindi siya mala-MMK kaya dito ko nalang siya ikikwento. Sana magustuhan ng mga nagbabasa...

3 years ago, nakilala ko ang isang babaeng nagpabago ng buhay ko. Call-center agent ako, papasok palang ako sa trabaho nung mga bandang alas-syete. Pinara ko 'yung dumaang bus na wala nang masyadong pasahero, may nakasabay akong babae nun. Naka-uniform siya kaya sigurado akong pauwi siya. Parehas kami ng pinuntahang upuan pero inunahan niya akong pumwesto sa tabi ng bintana. Nang maka-upo na kami, pansin kong tahimik lang siya tsaka nakatingin lang sa malayo. I tried to ignore her and succeeded pero sandali lang pala dahil narinig ko siyang humikbi. Tinignan ko 'yung reflection niya sa bintana since medyo naka-side siya, tama ang hinala kong umiiyak nga siya.

I was about to give her my hanky when she suddenly spoke, "Bakit ganyan kayong mga lalaki?" Nabigla man, nagsalita ako kahit hindi ako sure na kausap niya nga ako, "Miss, may problema ba?"

"Oo... kayo. Kayong mga lalaki ang problema ko, bakit ganyan kayo ha?!" Medyo pasungit niyang sabi sabay lingon sa'kin, "Pagkatapos niyong kunin lahat ng gusto niyo sa'ming mga babae ang bilis niyo na mang-iwan! Pati 'yung responsibilidad niyo agad niyong tinatakbuhan!" Napayuko nalang ako dahil may mga pasahero nang nakakarinig at nakatingin sa'min, "Miss, huminahon ka na oh. Pwede naman nating pag-usapan yan eh." Halos pabulong na sabi ko sa kanya. "Huminahon?! Pano ako hihinahon? Eh bwisit lang naman kayong mga lalaki kayo! Sa umpisa mabait, sa umpisa sweet, sa umpisa puro pangako! Pero sa huli? Kapag nagsawa kayo? Kapag nakuha niyo na 'yung gusto niyo? Iiwan niyo na kami!" Gusto kong pagsisihan 'yung time na pinansin ko pa siya, pero hindi ko alam kung pano ko tatakasan 'yung babaeng 'yun. Sakto naman at nasa tapat na'ko ng building na pinapasukan ko, "Kuya, para!" Sigaw ko sa driver, nakita ko namang natigilan 'yung babaeng katabi ko.

"Ngayon pati ikaw, iiwan na'ko..." muntik na'kong ma-out of balance nang marinig ko siyang magsalita pagtayo ko. "Miss... sorry ha? Hindi kasi kita kilala para pagsalitaan mo 'ko ng ganyan. Isa pa, hindi LAHAT ng lalaki katulad ng kung sino mang lalaking nanloko sa'yo kaya 'wag kang mangsisisi nang kung sinu-sino." Natahimik siya matapos kong sabihin 'yun, hindi ko na hinintay pang sumagot at bumaba nalang ako ng bus.

Pati ako nagulat sa naging out-burst ko nun, hindi ko naman intensyon na magsalita ng ganun sa ibang tao lalo na sa babae. Pero kasi iba 'yung feeling na kapag halong kaba, pagkapahiya, at galit na'yung nararamdaman mo, natatakpan nun lahat ng mabuting character mo na kahit gano ka kabait eh pwede ka pa ring magsuplado lalo na kung wala sa lugar 'yung inaasta ng kausap mo.

Minsan mas okay nang manahimik ka nalang kesa ipakita mo 'yung concern mo sa isang tao, ikaw na 'yung concern sila pa 'yung galit at sasabihing hindi ka nakakatulong o kaya naman hindi ko kailangan ng opinyon mo. Pero Watty, hindi tungkol sa rants ang kwento ko ha? Love story 'to, baka malito ka.. hehe

Back to the story, nawala naman sa isip ko 'yung nangyari sa bus nung magsimula na'kong magtrabaho. Pano ba namang hindi mawawala eh puno ng nakakarinding tawag 'yung mga natatanggap ko. Haha, buti nalang at may rule kami na kapag sumosobra na 'yung caller patayin mo nalang. Sama no? Ganyan talaga.

Alas-kwatro na nang mag-out kami ng mga kasama ko at nag-decide muna ako na magkape sa 7-11 na sa may kabilang kanto pa, nilakad ko nalang kasi sayang pamasahe. Nang makarating ako dun, nakita ko 'yung pamilyar na mukha ng isang babae. Tama ka Watty, siya si Miss Hugot. Nakita ko siyang kumakain ng instant noodles, siya lang mag-isa. Ang nakakapagtaka pa, naka-uniform pa rin siya. Sabado nun Watty at hindi pa uso ang saturday classes kaya sigurado akong wala silang pasok kaya nagtataka ako. Pagkabili ko ng kape, nadaanan ko siya. Lalabas na sana ako nang tawagin niya ako, "Kuya." Napalingon naman ako nun, "Uhm, dito oh. Maupo ka muna, paalis na rin ako." Sabi niya, nakonsensya yata sa ginawa niya nun.

Dear Watty,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon