Dear Watty,
Ako si Shane. Bago ang lahat, gusto kitang pasalamatan sa pagtanggap ng sulat na 'to. Kwento ito na nakadikit na sa pagkatao ko at kahit kailan ay hindi na maaalis sa ala-ala ko. Ngayon, ibabahagi ko na ito sa iyo at sa kung sino mang makakabasa nito.
Almost 5 years na nang mangyari 'yun, bagong lipat kami sa isang bahay na may katamtamang laki. Si mama lang ang kasama ko dahil dalawang taon na nung iniwan kami ni papa at nag-iisang anak lang ako.
"Aalis na muna ako, isang linggo akong mawawala. Ikaw na muna ang bahala sa bahay ha?" Sabi ni mama habang inaayos ang gamit sa bag. May negosyo kasi siya at kasama sa pagta-trabaho niya ang pag-alis para pumunta sa mga seminars at iba pang may kinalaman sa business.
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang bahay. Sobrang tahimik. May TV kami pero hindi naka-cable, next week palang daw magpapakabit si mama. May nakita akong telepono sa may maliit na mesa sa tabi ng sofa namin, naisip kong tumawag nalang sa mga kaibigan ko pero naalala kong cellphone na pala ang gamit nila at wala silang landline kaya no-choice ako kundi magpaload nalang sa labas at mag-internet nalang sa computer shop.
"Oh, andiyan ka na pala. Kumain ka na diyan, hindi na kita masasabayan at baka ma-late pa 'ko sa pupuntahan ko. Mag-ingat ka ha, Shane?" Hinalikan ni mama ang noo ko, "I-lock mo lahat ng pintuan bago ka matulog, kapag may kumatok tignan mo muna sa bintana. 'Wag mo agad pagbubuksan." Napangiti naman ako, ganyan si mama. Over-protective, pero kahit ganyan 'yan mahal ko 'yan. "Opo ma. Ingat po kayo, mag-text ka nalang sa'kin pag nakarating ka na dun."
May ilang bilin pa si mama bago siya umalis sa bahay. Ako nalang mag-isa, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Naisip kong buksan nalang 'yung TV, "Wala namang magandang palabas." Nasabi ko habang palipat-lipat ng channel.
Pinatay ko nalang ang TV at didiretso na sana sa kwarto para mahiga nang biglang mag-ring 'yung telepono sa tabi ko.
"Hello?" Sinagot ko 'yung tawag.
"Grace? Ikaw ba 'yan?" Boses ng lalaki ang nasa kabilang linya, mababa ang boses niya pero hindi nakakatakot pakinggan.
"Uhm, sorry. Hindi si Grace 'to, baka umalis na sila. Bagong lipat kami dito sa bahay, pasensya na." Sagot ko nalang.
"Ahh, ganoon ba..." Sandaling katahimikan pero nagsalita siya ulit, "Anong pangalan mo?"
Sa mga sandaling 'yun, Watty, gusto ko nang patayin 'yung tawag pero hindi ko magawa, hindi ko alam pero sinagot ko 'yung tanong niya, "Shane... Shane ang pangalan ko." Nasabi ko nalang, "Ikaw?"
"Bernard..." narinig kong napabuntong hininga siya, "Pasensya ka na kung naistorbo kita, wala lang kasi akong makausap dito sa bahay. Iniwan ako ng mga kapatid ko upang mamasyal sa labas." Natawa ako sa sinabi niya, "Bakit ka tumatawa?"
Napangiti naman ako agad, "Ang lalim mo kasi magsalita. Parang nanggaling ka sa ibang dimension." Matapos kong sabihin 'yun, bigla nalang siyang natahimik. "Hello? Bernard, andiyan ka pa ba?"
"Naniniwala ka ba sa kasabihang 'ang pag-ibig ay walang pinipiling oras'?" Nabigla naman ako sa tanong niya, "Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Mahirap ipaliwanag... pero sasabihin ko rin sa iyo sa tamang panahon."
"Ha? Teka, anong--" biglang naputol ang linya niya kaya hindi ko maiwasang mapaisip.
Sobrang lalim niya, Watty. Nahihiwagaan ako kay Bernard, feeling ko may hindi siya sinasabi. Pero nung oras na 'yun, nawala ang inip ko at napalitan ng curiosity. Naghintay ako ulit kung tatawag pa siya, tinignan ko rin 'yung drawer ng mesa kung saan nakapatong 'yung telepono. Nagbabakasakaling nandoon 'yung telephone number nila pero nabigo ako. Napagod na'ko sa kakahanap at nagpahinga nalang sa kwarto, nagtext nalang ako sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Dear Watty,
RandomIba't- ibang istorya, iba't-ibang tema. Minsan malungkot, minsan masaya. Mga sulat na may aral na dala, Mga sinulat mula sa ala-ala..